DISMAYADO ang mga deboto ng Itim na Nazareno matapos silang itaboy ng mga tauhan ng Manila Police District, Biyernes ng umaga sa simbahan ng Quiapo, Manila.
Alas-10:30 ng umaga nang itaboy ang mga deboto na karamihan ay senior citizen.
Gamit ang megaphone, pinaalalahanan ni P/Lt. Col. John Guiagui, station commander ng MPD- Station 3, ang mga deboto na hanggang 30% lamang ang pinapayagan makapasok sa simbahan.
Pinakiusapan din ang mga ito ni Guiagui na magsimba na lamang sa ibang araw at huwag magsabay-sabay kapag araw ng Biyernes.
May ilang deboto umano na nakitang hindi sumusunod sa health protocols ang inaresto. (RENE CRISOSTOMO)
