MGA RIVERA SA CABIAO, MARAMI NANG NAGAWA AT MARAMI PANG MAGAGAWA

TARGET ni KA REX CAYANONG

SA bawat bayan, may mga lider na hindi lang basta nanungkulan—bagkus, tunay na nag-iwan ng bakas ng pagbabago. Sa Cabiao, Nueva Ecija, isa sa mga halimbawang ito ay ang pamilya Rivera, partikular si Mayor Ramil “RBR” Rivera, na nakatatlong termino na at ngayon, ang kanyang anak na si Konsehal Rav “Kevin” Rivera ang napagkaisahan ng karamihan—mga miyembro ng konseho at mga kapitan—na siyang tumakbong susunod na alkalde.

Hindi maikakaila ang bunga ng kanilang pamumuno. Ang Cabiao na dati’y limitado ang pag-unlad, ngayo’y tinatamasa ang makabuluhang pagbabago.

Sino ang mag-aakalang ang mga dating walang pagpipiliang kainan ay ngayon may Jollibee, KFC, Mang Inasal at Dunkin na? Sino ang mag-iisip na magkakaroon tayo ng dialysis center, mga programa para sa senior citizens, at bagong kolehiyo gaya ng PUP Campus?

Noon, sa Bagong Sikat at Sta. Isabel, si Sonia lang ang tanging kainan. Ngayon, kailangan mo pang mag-isip kung saan kakain—ganito kalaki ang ipinagbago ng ating bayan.

Pero sa kabila ng makabuluhang mga pagbabagong ito, araw-araw ang paninira sa social media laban sa mag-amang Rivera. Bakit nga ba? Ano pa ba ang kulang? Kapag may progreso, dapat ito’y ipinagdiriwang at ipagpapasalamat, hindi sinisiraan.

Ang halalan ay hindi dapat maging dahilan upang mag-away-away, magsiraan, o manlait. Dahil sino man ang maupo, tayo pa rin ang siyang kikilos para sa ikabubuhay ng ating mga pamilya. Pero hindi rin natin dapat balewalain ang rekord ng mga napatunayan na.

Hindi perpekto ang alinmang pamahalaan, pero malinaw ang ebidensiya—ang Cabiao ngayon ay hindi na tulad noon. Ang mga negosyo ay nagsisidatingan dahil nakita nilang may potensyal na ang bayan.

Hindi ito aksidente—ito ay resulta ng matalinong pamumuno, masipag na serbisyo, at malinaw na direksyon para sa pag-unlad.

Sa halip na manira, makinig dapat ang mamamayan. Sa halip na maghasik ng galit, magbalik-tanaw sa kung paano narating ang kasalukuyang sigla ng Cabiao. Ang suporta ng mga tao kay Kuya Rav “Kevin” Rivera ay hindi dahil siya ay anak ng mayor, kundi dahil nakita nila ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng mabuting nasimulan.

Panahon na upang piliin ang hinog sa karanasan, may malasakit, at napatunayan na. Tigilan na ang paninira. Sa halip, ipagmalaki ang Cabiao—isang bayan na ngayo’y may direksyon, may pag-asa, at may kinabukasan.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

142

Related posts

Leave a Comment