MODERNONG PAGPAPATROLYA NG CALABARZON POLICE KINILALA

KINILALA ni PNP Chief General Rommel Marbil ang pagsusumikap ng Police Regional Office CALABARZON sa pagbuo ng makabago at modernong pamamaraan sa pagpapatrolya.

Sa kanyang Command Visit nitong Huwebes sa PRO4A Regional Headquarters, binigyang-diin ni Marbil na ang paglikha at pag-develop ng tatlong services at strategies ay resulta ng sama-samang pagsusumikap ng mga miyembro ng Calabarzon police at sa pagsuporta na rin ng stakeholders at ng komunidad.

Unang inilunsad ang P.O.W.E.R. Services Application, at ikalawa ang Blue Cops in Mobile Substation on Wheels (BCMW) at ikatlo ang Integrated Patrol System na “RONDA”.

Ang application na P.O.W.E.R na may kahulugan na “Protect Our Community’s Well-being through Effective Services and Response,” ay isang user-friendly internet-based application na dinisenyo upang magbigay ng seamless platform at one-stop solution para sa mga emergency request, crime reporting, pagsasampa ng reklamo, pag-aapply ng clearances at permits, pag-access ng safety tips at guidelines, at pagpapadali ng interaksyon sa komunidad.

Pinangunahan din ni PGen. Marbil ang pagbubukas ng BCMW, isang mobile substation na pinangangasiwaan ng mga uniformed personnel kasama ang force multipliers na magbabantay ng 24-oras araw-araw.

Ang nasabing unit ay maaaring i-deploy sa kahit saang lokasyon na nangangailangan ng presensya nito, tulad ng mga business area, eskinita, at sa matataong mga lugar.

Ang BCMW ay nagsisilbi ring mini tactical operations center sa anomang emergency situations, na magpapabilis ng koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng emergency response teams.

Pinagbubuti nito ang effectiveness at kahusayan sa pamamahala ng mga krisis, kabilang na ang mga natural disaster at iba pang mga emergency situations.
Isinagawa rin ng PNP chief ang actual na pagte-test sa nasabing app. (NILOU DEL CARMEN)

284

Related posts

Leave a Comment