CAVITE – Binitbit sa kulungan ang isang motorcycle rider nang mabuking ang nakatagong baril makaraang sitahin dahil sa hindi pagsusuot ng helmet sa Imus City noong Miyerkoles ng madaling araw.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, ang suspek na si alyas “Ralph”.
Ayon sa ulat, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang parahin ang minamanehong motorsiklo ng suspek ng mga operatiba ng Police Community Precinct 6 ng Imus Component City Police Station, sa kahabaan ng Aguinaldo Highway Intersection, Brgy. Palico 4, Imus City dahil sa hindi nito pagsusuot ng helmet.
Subalit timbes na tumigil, umiwas ito at pinaharurot ang motorsiklo papalayo subalit bago pa man makararating sa intersection sa nasabi ring lugar ay nadakip ito.
Nang hingin ang kanyang driver’s license, napansin na may nakabukol sa kanyang baywang at nang siyasatin ay nadiskubreng isang kalibre .357 Magnum Smith and Wesson na may dalawang bala,
Wala maipakitang dokumento ng baril ang suspek na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. (SIGFRED ADSUARA)
