MPD STATION COMMANDERS BINALASA

UPANG mas lalong palakasin ang hanay ng mga pulis ng Manila Police District, binalasa ni MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang anim na commander ng Stations 3, 4, 7, 10, 11 at 12, makaraan ang simpleng turnover ceremony sa bulwagan ng MPD- Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila.

Sa Station 3, inalis si P/Lt. Col. Jonathan Villamor at inilipat sa Station 7, habang si P/Lt. Col. Ramon Czar Solas ay itinalagang commander ng Station 3.

Si P/Lt. Col. Robert Domingo na dating commander ng Station 7, ay na-assign sa District Intelligence Division Management  (DIDM) na under ang lahat ng sangay ng departamento sa MPD Headquarters.

Nagpalit naman ng puwesto si P/Lt. Col. Jay Doles na galing sa Station 4 at napunta sa Station 12 habang si P/Lt. Col. Restituto Acohon ay inilipat sa Station 4.

Samantala, sa Station 10 ay itinalagang commander si P/Lt. Col. Maria Agbon na pinalitan si P/Major Dino Venturina na Officer in Charge lamang.

Sa Station 11, inalis sa puwesto si P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., na pinalitan ni P/Lt. Col. Rexson Layug.

Hindi naman iniulat kung saan itatalaga si Gallora.

Ayon kay General Dizon, layunin ng pulisya na mas palakasin pa ang kanilang hanay upang paigtingin ang seguridad ng lungsod. (RENE CRISOSTOMO)

305

Related posts

Leave a Comment