VIP PRISONERS GATASAN SA BUCOR?

MAUGONG ngayon ang usapan hinggil sa pamemera umano ng mga tiwaling opisyal at kawani ng Bureau of Corrections (BuCor) sa ilang mayayamang bilanggo kapalit ng VIP treatment.

Sa ulat, sa ilalim ng pamumuno ni Director General Gregorio Pio Catapang, maraming dayuhan ang namumuhay na parang mga hari sa loob ng mga bilangguan na pinatatakbo ng BuCor sa iba’t ibang panig ng bansa.

Isa na umano rito ang notorious drug kingpin na si Park Wangyeol, aka “Worldwide” na kahit nakakulong ay tuloy-tuloy ang negosyo sa ilegal na droga.

Si Park ay na-extradite na kamakailan patungong South Korea matapos makulong ng ilang taon sa Muntinlupa.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng SAKSI NGAYON, malaki-laki ang naipon ng ilang BuCor officials sa mga ‘padulas’ ng nasabing dayuhan para maipagpatuloy nito ang marangyang pamumuhay at ilegal na operasyon bukod pa sa ilang high profile inmates na Chinese nationals.

Dahil dito, marami ang naniniwalang nakapaglalabas-masok pa rin ang mga kontrabando sa mga kulungan ng BuCor gaya ng droga sa kabila ng mga naunang ibinidang kampanya ni Gen. Catapang.

Tanong ng ilang insider? Nakararating kaya sa Malacanang ang mga balitang ito? Paniwala nila, agad masisibak si BuCor Chief Catapang kung malalaman ni Pangulong Bongbong Marcos ang nangyayaring kabulastugan sa kanyang ahensya.

Kamakailan lamang ay nadiskubre ang mala-hotel na pasilidad sa loob ng BuCor na pinauupahan umano kada araw sa mga high value Chinese prisoners.

Ayon sa sumbong, patuloy ang pamamayagpag ng mga dayuhang bilanggo na karamihan ay Chinese sa mga bilangguan ng BuCor partikular sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro.

Hindi tuloy maiwasan ng mga insider na ungkatin ang koneksyon ni Catapang kay Ombudsman Boying Remulla.

Close umano ang dalawa kaya posibleng hindi pinapansin ang mga katiwalian sa BuCor.

Hinahamon ngayon ng mga ito si Remulla na paimbestigahan ang mga reklamo sa iregularidad sa BuCor upang matukoy ang pananagutan ni Catapang at iba pang namamahala sa mga piitan.

(SPECIAL REPORT NI JOEL O. AMONGO)

66

Related posts

Leave a Comment