Nabistong front lang ang ukay-ukay business MAGBAYAW HULI SA DROGA

CAVITE – Nabuking ang modus operandi ng isang magbayaw na umano’y ginawang drug front ang ukay-ukay business para manghikayat ng customer, matapos maaresto sa buy-bust operation at nasamsam ang tinatayang P340,000  halaga ng  shabu sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Rusty Nakon y Guiamlo, 25, at Baby Daludong y Guiamal, 33, kapwa residente ng Alfonso, Cavite.

Ayon sa ulat ni Pat. Jeffrey S. Gutierrez ng Alfonso Police Station, dakong alas-5:00 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng PNP DEG-SOU 4B (lead unit), SOU4A at mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Alfonso MPS, sa Brgy. Buck Estate, Alfonso, Cavite.

Isang poseur buyer ang nagpanggap na mamimili ng mga ukay-ukay at sa bandang huli ay palihim na makipagtransaksyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P340,000. (SIGFRED ADSUARA)

227

Related posts

Leave a Comment