Nakunsensya nang arestuhin ang ama SUSPEK SA RAPE-SLAY SA 12-ANYOS, SUMUKO

QUEZON – Sumuko sa National Bureau of Investigation sa Lucena City  noong Huwebes  ang umano’y totoong pumatay sa 12-anyos na dalagita na natagpuan ang walang saplot na bangkay at tadtad ng taga sa Barangay Punta, sa bayan ng San Narciso sa lalawigang ito, noong nakaraang linggo.

Inamin ng sumukong suspek na si Allan Mendeja, 35, na siya ang may kagagawan sa karumal-dumal na krimen na ikinamatay ng 12-anyos na biktimang si Vheanne Banico.

Si Mendeja ay anak ng unang arestadong suspek si Artemio Mendeja, 66, na siyang itinuro ng mga residente na nakita malapit sa lugar matapos ang insidente.

Si Artemio ay nakulong matapos na ito ay kasuhan ng murder ng San Narciso Police.

Ayon kay Allan, nasalubong niya ang biktima noong umaga ng Nobyembre 20 habang naghahanap ang dalagita ng signal para sa mag-online upang kausapin ang guro hinggil sa modules.

Nabatid sa salaysay ni Allan, nagalit siya nang ipakita ng biktima sa cellphone nito ang litrato ng kanyang misis.

Sinabi umano ng biktima na kukunin na ng misis ng suspek ang tatlo nilang anak at iuuwi na sa Samar.

Dahil umano sa sobrang galit ay nagawa niya ang krimen sa biktima. Ginahasa niya ito at pinagtataga hanggang sa mapatay.

Ayon pa sa suspek, palaging binu-bully ng angkan ng biktima ang kanyang mga anak at sa halip raw na payuhan siya at suportahan ay lagi pa raw siyang nilalait at pinagtatawanan mula nang iwanan siya ng kanyang asawa kamakailan.

Sinamahan nito ang mga tauhan ng NBI sa crime scene sa bulubundukin at magubat na lugar kung saan niya itinapon ang cellphone ng biktima.

Dagdag ng biktima, plano niyang sumuko noon pa ngunit natakot kaya tinangka niyang magpakamatay at ipinakita ang bakat ng lubid sa kanyang leeg.

Samantala, hiniling ni Allan na mapawalang sala ang kanyang tatay at pakawalan na ito ng pulisya. (NILOU DEL CARMEN)

147

Related posts

Leave a Comment