BESO-BESO BAWAL SA KAMPANYA

SA gitna ng patuloy na banta ng pandemya, naglatag ng mga panuntunan ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng pamamaraan ng pangangampanya ng mga kandidato.

Kabilang sa mga inilatag ng Comelec ang polisiyang “no physical contact” na nangangahulugang bawal muna ang mga nakagawiang pakikipagkamay, beso-beso, pagyakap, pagkarga ng mga bata at iba pang physical contact sa pagitan ng mga pulitiko at mga botante.

Bawal din ang photo ops ng mga kandidato kasama ang mga botante, isang tradisyong nakasanayan sa tuwing sasapit ang aktuwal na kampanya. Paliwanag pa ng Comelec, hindi dapat mawala ang distansiyang bahagi ng minimum public health and safety protocols.

Hindi rin muna pahihintulutan ang pamimigay ng pagkain at iba pang bagay.

Maging sa mga conventions, caucus, miting de avance, rally at iba pang pagtitipon, mahigpit ding ipinagbabawal ang mga nabanggit na aktibidades.

Itinakda na rin ng ahensya ang pangangampanya simula Pebrero 8 hanggang Mayo 7, 2022 para sa mga opisyal na kandidato sa mga

national elective positions. Samantala, Marso 25 naman hanggang Mayo 7 ang para sa mga lokal na posisyon.

Mayo 9 ang takdang araw ng halalan.

64

Related posts

Leave a Comment