MAYOR SARA PARA PRESIDENTE SA 2022; DU30 KONTRA

mayorsara121

(NI BETH JULIAN)

KONTRA si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagkapangulo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City, mariing inihayag ni Pangulong Duterte na hindi siya payag na tumakbo sa presidential position ang kanyang anak.

Pero hindi naman idinetalye ng Pangulo ang kanyang dahilan kung bakit hindi ito pabor na tumakbo sa pagkapangulo ang anak.

Una nang sinabi ni Mayor Inday na masyado pang maaga para magdesisyon para rito at posibleng mapagpasyahan niya ito sa taong 2021.

369

Related posts

Leave a Comment