(NI FRACIS SORIANO)
DAHIL sa paglabas ng matrix na kinasasangkutan ng mga judges, prosecutors at abogado, nananawagan ngayon ang Supreme Court (SC) sa pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng kanilang kooperasyon kaugnay sa 10 judges at 13 prosecutor na sinasabing sangkot sa illegal na droga.
Ayon sa SC, nais nilang imbestigahan mismo sa kanilang hanay ang mga sangkot na napasama sa narco list na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanilang hinihiling ang mga pangalan para sa gagawing imbestigasyon.
Samantala, nauna nang inalmahan ng pamunuan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagbasa sa mga ulat, dahil hindi pagpo-protekta sa drug suspects ang mga insidente ng pagkakabasura sa drug cases ng ilang prosecutors, judges at mga abogado sapagkat na dismiss ito sa kadahilanan ng insufficiency of evidence.
Gayunman, nanindigan si Philipine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino na sapat ang kanilang basehan para isapubliko.
Maging si Justice Secretary Menardo Guevarra ay nagbigay din pahayag na may sapat na basehan ang PDEA sa ulat nito.
Matatandang, nagsagawa na noon ng imbestigasyon ang Korte Suprema sa apat na huwes na kasama sa unang narco-list ng Pangulo noong 2016 na sina Exequil Dagala ng Dapa-Socorro sa Surigao, Adriano Savillo ng Iloilo City, Domingo Casiple ng Aklan at Antonio Reyes ng Baguio City.
158