(BETH JULIAN)
PINANININDIGAN ng Malacanang na may claims ang Pilipinas sa pinagtatalunang isla ng Sabah, isang teritoryo na idineklarang parte ng Malaysian Federation noong taong 1963.
Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo matagal nang idineklara ng bansa kahit pa noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos na may pagmamay-ari ang Pilipinas sa Sabah na taliwas naman sa sinabi ni Malaysian Prime Minister Mahathir Bin Mohamad sa isang panayam Huwebes ng umaga na hindi claimant ang Pilipinas.
Gayunman, sa kabila ng magkakaibang pahayag, sinabi ni Panelo na hindi bahagi ng agenda ng pulong ni Pangulong Duterte at PM Mahathir ang nasabing isyu.
Huwebes ng alas-3:20 ng hapon ay dumating na sa Palasyo ang Malaysian PM saan pinag usapan ang bilateral meeting.
Ginawaran ito ng welcome ceremony na kinabibilangan ng full-military honors at 21-gun salute.
245