Pinagbibitiw sa kapalpakan DIOKNO AYAW BUMABA SA PWESTO

DEDMA si Finance Secretary Benjamin E. Diokno sa panawagan ng grupo ng mga magsasaka na magbitiw sila ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa puwesto.

Nauna rito, umapela ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na magbitiw sa puwesto sina Diokno at Balisacan matapos nilang ipanukala na tapyasan ang tariff rate sa rice imports bilang tugon sa sumirit na presyo ng mga pangunahing pagkain.

Si Diokno, kasama ng Pangulo sa Singapore, ay piniling huwag patulan ang panawagan sa kanila ni Balisacan na umalis sa puwesto.

Nauna rito, sinabi ni SINAG Executive Director Jayson Cainglet sa isang kalatas na “Today, we stand together to oppose, in the strongest terms, the efforts of Secretaries Diokno and Balisacan to serve the death sentence on rice farmers and other industry stakeholders by cutting or eliminating tariffs – our last refuge.”

“The petition at hand is not for the welfare of consumers. Any claims about consumer benefits are at best, debatable. In reality, they are doormats to a sinister agenda. The rice farmers are the intended victims of the petition,” dagdag na pahayag nito.

Matatandaang, sinabi ni Diokno na inirekomenda ng economic team ang pansamantalang pagbabawas sa kasalukuyang 35% rice import tariff rates para tugunan ang tumataas na presyo ng bigas.

“The proposed reduction would range from zero percent to 10 percent for both ASEAN and the most-favored nation (MFN),” ayon kay Diokno.

Tinuran naman ni Balisacan na kinokonsidera ng pamahalaan ang pagbabawas sa import tariffs para sa bigas bilang hakbang para tugunan ang tumaas na presyo ng pangunahing pagkain.

Nanawagan naman si Balisacan ng masusing pag-aaral para sa 35% na taripa sa bigas para magawang matapyasan ang consumer costs habang kinokonsidera ang epekto sa local producers.

(CHRISTIAN DALE)

158

Related posts

Leave a Comment