SC sa appointive officials: RESIGNED NA KAPAG NAGHAIN NG COC

SINAMANTALA ng Supreme Court ang pagkakataon, kasabay ng pagsisimula ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections, sa paglalabas ng temporary restraining order o TRO laban sa pagpapatupad sa Section 11 ng COMELEC Resolution No. 11045 na sumusunod sa mga opisyal na nananatili sa pwesto kahit na pinangalanan na silang party-list nominee.

Sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting, agad na epektibo ang naturang TRO.

Kung gayon, ayon sa korte ay dapat sundin muna ng mga partido ang status quo kung saan ang mga public appointive official ay itinuturing na nagbitiw sa pwesto sa oras na maghain sila ng kanilang certificate of candidacy.

Binigyan ng Korte Suprema ang Comelec ng non-extendible na 10 araw para magsumite ng mga komento sa petisyon ng election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal.

Una na kasing hiniling ni Macalintal sa SC na ideklarang null and void ang magiging probisyon dahil labag umano ito sa Konstitusyon at hiniling din ang TRO para rito. (JULIET PACOT)

36

Related posts

Leave a Comment