(NI BETH JULIAN)
SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng National Academy for Sports para sa mga highschol students.
Ito ang bahagi ng talumpati ng Pangulo sa kanyang SONA.
“I support the measure to create the National Academy for Sports for highschol students”, wika ng Pangulo.
Pinirmahan na ni PPRD ang batas sa sports na Republic Act 11214 o “ang Philippine Sports Training Center Act,” kung saan magtatayo ng state-of-the-art sports training facility sa bansa sa Rosales, Pangasinan sa 2022.
Bunsod nito, lubos naman ang pasasalamat nina Team Philippines Chef de Mission at PSC Chair William ‘Butch’ Ramirez kay Presidente sa pagiging totoong masipag at magaling na leader.
“There might be bigger priorities but President Duterte has always given sports his support,” pahayag ni Ramirez.
Pinasalamatan din ni Ramirez ang Pangulo dahil sa perfect attendance nito sa Palarong Pambansa opening ceremonies simula nang maupo ito sa puwesto.
Simula noong 2016, maraming inisyatibo na ang ginawa ng PSC upang ma-promote ang sports education at sports science para sa national coaches at trainers sa pakikipagtulungan ng Korean Institute of Sports Science (KISS) at the United States Sports Academy (USSA).
191