NEWLY ELECTED BARANGAY CHAIRMAN PATAY SA AMBUSH

DAVAO DEL NORTE – Patay ang isang bagong halal na barangay chairman sa pamamaril ng riding in tandem gunmen habang nagmamaneho ang biktima ng kanyang kotse sa Purok Mangga, Barangay Datu Abdul Dadia, Panabo City sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon.

Kinilala ng Panabo City Police ang biktimang si Engr. Paul Albert Saquian, residente, at newly elected chairman ng Barangay Datu Abdul Dadia.

Ayon sa report, galing sa Barangay New Visayas at nagmamaneho ng kanyang kotseng Nissan Almera sa city road ang biktima pauwi sa kanilang bahay dakong alas-4:30 ng hapon.

Ngunit pagsapit sa palikong daan, hindi kalayuan sa kanilang bahay, ay pinagbabaril ito ng riding in tandem gunmen.

Bunsod nito, sumalpok ang kotse nito sa haligi ng waiting shed sa gilid ng daan.

Isinugod ito sa ospital subalit nalagutan ng hininga matapos ang isang oras dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi pa matukoy ng pulisya kung politically motivated ang pamamaril sa biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

262

Related posts

Leave a Comment