PASAKIT NA KALSADA SINOLUSYUNAN NI CONG. NOGRALES

(JOEL O. AMONGO)

MAIIBSAN na ang kalbaryo ng mga motorista matapos makarating sa kaalaman ni Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles ang masamang lagay ng kalsada sa bahagi ng Litex-Payatas, Mayon Avenue at Tanag Road sa bayan ng Montalban.

Agad nakipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) si Nograles upang masolusyunan ang mga baku-bakong bahagi ng nasabing lansangan na takaw-disgrasya sa mga motorista.

Nais matukoy ni Nograles ang mga bahagi ng Litex-Payatas, Mayon at Tanag Road na may butas, sira, lubak, at tapyas.

Inalam din niya kung saan bahagi ang kailangang dugtungan o tapalan, buhusan o lagyan ng semento at aspalto.

Ito’y upang maiwasan ang aksidente at maibsan ang pagsisikip ng trapiko.

Puspusan din ang pakikipag-ugnayan ni Cong. Nograles sa DPWH upang tuloy-tuloy ang pagsasaayos ng mga sirang kalsada sa lalong madaling panahon habang hindi pa dumarating ang tag-ulan.

Ang nabanggit na mga kalsada ay mapanganib sa mga motorista pagdating ng tag-ulan dahil ang ilan sa mga ito ay matarik.

Nabatid na nang makarating sa kaalaman ng mambabatas ang kalagayan ng mga nasabing kalsada ay agad niya itong ininspeksyon upang personal na makita at mabigyan ng kaukulang aksyon sa tulong ng DPWH.

Umaasa si Nograles na matatapos ang proyekto bago sumapit ang tag-ulan upang maging maginhawa ang biyahe ng mga dumaraan doon.
Marami nang kalsada ang naipagawa sa pamamagitan ni Nograles maging ang riprapping sa mga tabing ilog na matatagpuan sa ikaapat na distrito ng Rizal.

442

Related posts

Leave a Comment