PEACE TALKS GIIT SA KAMARA

WALANG aasahang kapayapaan hangga’t bantulot ang administrasyon na bigyang daan ang panibagong usapan, ayon sa isang militanteng kongresista kasabay ng patutsada sa mga di umano’y pekeng paandar ng pamahalaan.

Para kay ACT partylist Rep. France Castro, tanging peace talks – at hindi ang pagpapakalat ng maling balita, red-tagging at pekeng pagsuko ng mga di umano’y rebelde – ang daan para ganap na matuldukan at insurhensya at hudyat ng tunay na kapayapaan.

Sa inihaing resolusyon sa Kamara, nanawagan si Castro sa pamahalaan na ituloy ang naudlot na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

“No amount of fake news, red tagging and presentation of fake surrenderees can change the fact that there are glaring inequalities present in Philippine society. If these are not addressed then it will only worsen until the present oppressive and exploitative system is replaced by a more just and humane one,” ani Castro.

Sa resolusyon ng Makabayan bloc na kinabibilangan ni Castro, malayo na ang narating ng peace talks mula 1992. Patunay aniya nito ang suporta ng 131 kongresistang bahagi ng 18th Congress sa panukalang usapang kapayapaan – bagay na naudlot matapos atasan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pwersa ng gobyerno na maglunsad ng opensiba sa kabilang kampo.

Bukod sa peace talks, naunsyami rin aniya ang mga programang makakapag pabalik sana sa mga rebelde kabilang ang land reform, rural at economic development at national industrialization.
Hindi rin aniya siya kumbinsido sa mga inilalabas na ulat ng pamahalaan hinggil sa kabi-kabilang pagsuko ng mga rebelde sa mga tropang gobyerno. (BERNARD TAGUINOD)

173

Related posts

Leave a Comment