SENADOR GINAMIT SA PANGINGIKIL, 4 KALABOSO

APAT na indibidwal ang isinadlak sa likod ng rehas na bakal ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang madakip sa pangingikil umano ng pera gamit ang opisina ni Senador Win Gatchalian, sa Pasay City.

Kinilala ni NBI Director Medardo De Lemos ang mga suspek na sina alyas “David Luis Tan”, “Engineer Maderazo”, “Dina Bartolome”, at “Ma. Luisa”, pawang mga residente ng Pasay City.

Base sa ulat ng Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD), may kinalaman umano sa reclamation project ang kinasangkutang pangingikil ng mga suspek sa lungsod ng Pasay.

Nabatid mula kay Atty. Jerome Bomediano, hepe ng NBI-ACTCD,

nakatanggap sila ng report mula sa tanggapan ni Senador Gatchalian, na may mga tao umano na nagpapanggap na kanyang mga tauhan, at ginagamit ang kanyang opisina sa pangingikil.

Makaraang madakip, sinabi ng mga suspek na napag-utusan lamang sila at inamin na hindi sila staff ng senador.

(RENE CRISOSTOMO)

319

Related posts

Leave a Comment