TOP 4 MWP SA FRUSTRATED MURDER TIMBOG SA BINONDO

NADAKIP ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District ang isang 28-anyos na tricycle driver na suspek sa kasong frustrated murder, sa Delpan Street, Binondo, Manila noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Nonoy”, binata ng Binondo, Manila.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Mark Lester Ong, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Marlon Mallorca, hepe ng DSOU, bandang alas-2:30 ng hapon nang matunton ng mga awtoridad ang suspek sa loob ng barangay hall sa Brgy. 275, Zone 25, na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Czarina Encarnacion Samonte – Villanueva, ng Regional Trial Court Branch 36, Manila City. (RENE CRISOSTOMO)

52

Related posts

Leave a Comment