P10-P15 BAWAS PRESYO SA BIGAS ABOT-KAMAY NA

MALAPIT nang maisakatuparan ang bawas-presyo sa bigas ng mula P10 hanggang P15 sa merkado na sa kasalukuyan ay umaabot na sa P55 kada kilo.

Ito ay matapos magkasundo ang liderato ang liderato ng dalawang kapulungan ng Kongreso na iprayoridad ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law upang mapababa ang presyo ng bigas.

Nagbigay-ulat si House Speaker Martin Romualdez matapos ang kanilang unang pulong ng bagong presidente ng Senado na si Sen. Francis “Chiz” Escudero kahapon sa Agudo residence sa Malacanang.

“Amending the Rice Tariffication Law is a crucial step towards ensuring food security and economic stability for our farmers. We are committed to making quality rice affordable for all Filipinos while boosting the livelihoods of our local farmers,” ani Romualdez.

Ang nasabing panukala ay naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara Mayo sa botong 231 pabor, 3 ang kumontra at isang abstention kaya hinihintay na lamang ang aksyon ng Senado para tuluyang maamyendahan ang nasabing batas o Republic Act (RA) 11203.

Bukod dito, nagkasundo umano sina Romualdez at Escudero na tutukan sa 3rd Regular Session ng 19th Congress ang priority measure ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na kanyang tinukoy sa kanyang 2023 State of the Nation Address (SONA) at Common Legislative Agenda (CLA).

Sinabi ng Romualdez na 56 sa 59 CLA ang naipasa na sa Kamara at inaasahan na pagtitibayin na umano ang natitirang tatlo na kinabibilangan ng pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at National Defense Act at Budget Modernization Bill.

“With Senate President Escudero’s dynamic leadership, I am confident that we can expedite the legislative process, ensuring that the benefits reach our people without delay,” ayon pa kay Romualdez.

Nabatid na ang pulong ng ng dalawang lider ng Kongreso ay preperasyon umano sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa June 25, 2024 kung saan kasama na dito si Marcos. (BERNARD TAGUINOD)

154

Related posts

Leave a Comment