NICA PASOK NA RIN SA IMBESTIGASYON NG CHINA ‘TROJAN HORSE’

MAKIKIALAM na rin ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) para imbestigahan ang kontrobersyal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na posibleng ” Trojan Horse” ng bansang China para maniktik sa mga pasilidad ng ating gobyerno.

Kasunod ito ng inisyal na impormasyon ni NICA Director Ricardo de Leon na isa sa mga kagamitang nakumpiska sa POGO sa Brgy. Tambo sa Parañaque City kamakalawa ng gabi ay mga pasilidad sa komunikasyon na may mga dayuhang karakter.

Posible umanong Trojan Horse ng China na tumutukoy sa Greek Mythology na humantong sa pagbagsak ni Troy, ang POGO.

Mga eksperto mismo ang nagsabing maaaring ginamit ito para direktang makipag-ugnayan sa China.

Kasamang isinailalim sa forensic examination ang mga kagamitang ito gayundin ang iba pang ebidensya matapos mahuli ang 44 Chinese national at 9 Pilipino kabilang ang dose-dosenang mga computer na nasamsam sa raid.

Gayunpaman, sa teorya ng PNP, masyado pang maaga para sabihin kung sangkot sa espionage ang illegal POGO hub sa Porac, Pampanga.

Bukod pa sa wala pang nakuhang ebidensya ang mga imbestigador na nagpapatunay na ang mga tao sa loob ng sinalakay na compound ay mga espiya mula sa China.

Ipinapalagay naman ng ilang politiko na bagama’t hindi pa banta sa pambansang seguridad ang POGO sites ay isa na ngayon itong national security concern. (JULIET PACOT)

126

Related posts

Leave a Comment