P34-M MISDECLARED AGRICULTURAL GOODS KINUMPISKA

Sa kautusan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’s na paigtingin ang pagpapatupad ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, tinatayang P34 milyong halaga ng misdeclared agricultural products ang kinumpiska ng Bureau of Customs Port of Manila (BOC-POM).

Nasabat ng BOC – Port of Manila ang mahigit P34 milyong halaga ng smuggled na mga produktong agrikultura mula sa China.

Ayon sa BOC, idineklarang assorted food items gaya ng mantou, noodles, at kimchi ang nasabat na mga kargamento ngunit nang inspeksyunin noong Hunyo 10, tumambad na red onions, white onions, at frozen mackerel na walang tamang import permits, ang nakapaloob sa ilang container.

Inisyu noong Hunyo 23 ang Warrant of Seizure and Detention para sa mga kargamento dahil sa misdeclaration at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Ang agricultural products na nakumpiska ay isasailalim sa inspeksyon ng BOC, Department of Health at Department of Agriculture para matukoy kung maaari pa itong mapakinabangan.

Kabilang sa mga nagsagawa ng pagsusuri sina Assistant Commissioner Atty. Vincent Philip C. Maronilla, Deputy Commissioner Michael C. Fermin, POM District Collector Alexander Gerard E. Alviar, kasama sina Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr., katuwang ang Department of Health at Food and Drug Administration.

Base sa price monitoring ng DA, ang estimated fair market values ng red onions ay nasa P10.2 milyon, habang P3.8 milyon ang puting sibuyas at P20.08 milyon ang frozen mackerel.

(JESSE KABEL RUIZ)

67

Related posts

Leave a Comment