P4-M shabu nasamsam MAG-INA SOSYO SA DROGA

KALABOSO ang isang 65-anyos na ginang at anak nitong lalaki makaraang makumpiskahan ng P4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Caloocan Police chief, Col. Dario Menor ang mga arestado na sina Taya Sulong at Abdul Sulong, 33, kapwa ng Block 1, Lot 9, Villa Enrico Heights, Brgy. 171 ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat ni Col. Menor kay Northern Police District (NPD) director, P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-8:20 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo, ang buy-bust operation sa bahay ng mga suspek.

Makaraang makabili ang poseur buyer ng P70,000 halaga ng shabu ay inaresto ng mga awtoridad ang mag-ina.

Nakumpiska sa mag-ina ang 600 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P4,080,000 ang halaga, drug paraphernalia at buy-bust money. (FRANCIS SORIANO)

413

Related posts

Leave a Comment