PANAHON na upang pag-aralan at paghandaan ng national at local government ang pagbibigay ng COVID 19 sa younger population o sa kabataan.
Ayon kina Senador Sonny Angara at Senador Sherwin Gatchalian, dapat matuto rin ang Pilipinas sa mga pamamaraang isinagawa sa ibang bansa tuald ng Estados Unidos sa pababakuna sa mga teenagers.
Sinabi ni Angara na sa pamamagitan ng pagbabakuna sa school-age children, matityak na ang proteksyon sa malawak na populasyon sa bansa.
“Yung nasa basic education natin, mga 28 million sila. Yung nasa tertiary, mga 3.4 million. If combined, their total population would put them in the Top 50 countries. Bigger than Australia’s 25 million,” saad ni Angara.
“Outsmarting the virus requires the vaccination of students. There will be no return to normalcy, no herd immunity if they are not vaccinated,” dagdag pa ni Angara.
Iginiit namna ni Gatchalian na ngayon pa lamang ay dapat nang maglatag ng sistema ang mga lokal na pamahalaan para sa pagbabakuna sa kabataan.
“Ngayong nakikita na natin ang posibilidad na mababakunahan ang ating mga kabataan kontra Covid19, dapat simulan na rin natin ang paghahanda ng ating mga lokal na pamahalaan upang maayos at mabilis na maipamahagi ang mga bakuna sa mga kabataan,” saad ni Gatchalian.
“Kung mababakunahan na rin natin ang mga kabataan, tataas ang kumpiyansa nila at ng kanilang mga magulang na bumalik sa kanilang mga paaralan,” dagdag pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)
178 