HINDI ang brand ng bakuna kundi ang kakulangan ng Department of Health (DOH) sa maayos na pagpapaliwanag ang dahilan ng mistulang pamimili pa ng taumbayan ng COVID-19 vaccine na ituturok sa kanila.
Ito ang paniniwala ng ilang senador matapos na ring mapansin na dinumog agad ng taumbayan ang Pfizer vaccines habang ang ilang bakuna ay hindi pinapansin.
Dahil dito, naglabas ng kautusan ang DOH na huwag nang ipaalam sa publiko ang bakunang ibibigay bawat araw na tinutulan naman ng ilang mambabatas.
“Kaya nga meron ng informed consent form kasi binibigyan natin ng pagpapahalaga ang full disclosure sa kung ano ang ituturok sa katawan, and consideration din sa capacity of the person to decide,” saad ni Senador Nancy Binay.
“Pero kung brand crowding ang concern ng DOH, malinaw na communication issue yan. Meron pagkukulang ang DOH in informing and educating the public, at ‘di yan dapat ibunton ang sisi sa tao,” diin pa nito.
Sinabi naman ni Senador Joel Villanueva na hindi rin magtatagumpay ang istratehiya ng paglilihim ng brand ng vaccine kung walang maayos na edukasyon sa taumbayan hinggil sa bakuna.
“But the biggest problem actually is not brand rejection among the people, but vaccine hesitancy in general. Informed choice cannot be substituted with a “take-it-or-leave-it” policy,” pahayag ni Villanueva.
“Ang isang mungkahi po natin, maglabas ng isang joint public service announcement ang pangulo at ang bise pangulo. This is the kind of ad that will be effective in convincing a large part of our population that vaccines are safe,” dagdag ng senador.
Ipinaalala naman ni Senador Imee Marcos na may karapatan ang bawat pasyente na malaman ang bawat detalye ng ipapasok sa kanyang katawan.
Para naman kina Senador Francis Tolentino at Senador Panfilo Lacson, hindi na bago ang ganitong uri ng polisiya.
“That’s practical policy as a vaccine is a vaccine no matter the brand even Dr. Faucci was quoted as saying take whatever vaccine that is available,” diin ni Tolentino.
“That is not a new and unique practice. One reason why the vaccination program in other countries, particularly the US has become highly successful is that recipients of the vaccines are only informed of the brand of vaccine once he/she is already on site and ready to get inoculated,” pahayag naman ni Lacson.
“There is no saying that the choice of the brand is totally disregarded, but those who refuse the vaccine immediately available will have to fall out of line and wait for his/her preferred brand,” dagdag pa ni Lacson. (DANG SAMSON-GARCIA)
212 