PAGBASURA SA 1986 CONSTITUTION GIIT NG DATING SENADOR

NANINIWALA si dating senador at ngayo’y Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na dapat nang ibasura ang 1986 constitution at bumalik na lamang sa 1935 o 1973 constitution.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments, sinabi ni Enrile na ang 1935 constitution ay maikli, simple at madaling maintindihan habang ang 1973 constitution ay tumiyak sa pagpapatuloy o continuity ng mga programa at patakaran ng pamahalaan.

Iminungkahi rin ni Enrile na gawin ang pag-amyenda sa konstitusyon sa pinagsamang constitutional convention at constituent Assembly.

Iginiit din ni Enrile na dapat doblehin na ang bilang ng mga senador mula sa kasalukuyang 24 ay gawin na itong 48.

Ayon kay Enrile noong itakda sa ilalim ng 1935 constitution ang paghalal ng 24 na senador nasa 12 milyon pa lang ang populasyon.

Subalit ngayon ay nasa mahigit 100 milyon na kayat dapat madoble na rin ang bilang ng mga senador.

Sa panukala ni Enrile, ang 16 mula sa 48 senador ay papalitan kada ikalawang taon sa pamamagitan ng halalan.

Sa ganitong paraan anya ay may mga papasok na bago, fresh at modernize mind na makakatulong sa intellectual capability ng mga nakaupong miyembro ng senado.

Sa ilalim anya ng 1935 constitution, walong senador lang ang pinapalitan sa pamamagitan ng eleksyon tuwing ikalawang taon upang sa sandaling magkaroon ng invasion, rebelyon, pandemya at iba pang emergency situation ay siguradong may naka upo na 2/3 senator sa Senado.(Dang Samson-Garcia)

180

Related posts

Leave a Comment