ARESTADO ang isang high value individual sa ikinasang buy-bust operation sa Lucena City matapos makumpiskahan ng mahigit dalawang daang gramo ng hinihinalang ilegal na droga.
Kinilala ang suspek na si alyas “Charles”, 31-anyos, isang delivery rider at residente ng Parañaque City.
Naaresto ang suspek bandang alas-7:40 ng gabi noong Mayo a-uno sa Purok Masagana, Barangay Ibabang Iyam, Lucena City, ng pinagsanib na puwersa ng Lucena City Police at Quezon Maritime Police, sa koordinasyon ng PDEA.
Nakumpiska mula sa suspek ang anim na plastic bag at isang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 225 gramo.
Tinatayang aabot sa higit apat na milyong piso ang street value ng nasabing ilegal na droga.
Nakadetine na ang suspek sa custodial facility ng Lucena City Police habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(NILOU DEL CARMEN)
64 