P249.8-M SHABU NAHARANG, BOC PINATIBAY ANG BORDER CONTROL

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA gitna ng lumalalang hamon ng ilegal na droga at patuloy na paggalaw ng kalakalan sa bansa, muling ipinakita ng Bureau of Customs (BOC) ang mahalagang papel nito sa pagpapatibay ng seguridad sa ating mga hangganan—hindi lamang sa pamamagitan ng mga operasyon, kundi pati sa mga repormang pang-sistema. Isa sa pinakamalaking kamakailang tagumpay ay ang pagkakasabat ng P249.83 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakatago sa LED spotlights sa isang warehouse sa Pasay. Sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, at mahuhusay…

Read More

‘VAT’ NAMAN GANYAN?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MARAMING Pilipino ang nangangailangan ng tulong ngayong panahon ng krisis, ngunit konting haplos lang ang ipinadarama ng gobyerno para maibsan ang pasanin nila sa araw-araw. May nagsusulong na suspendihin ang excise tax sa diesel at gasolina, at ang pagpapababa ng VAT mula 12 percent papuntang 10 percent. Magandang hakbang ito na makakapitan ng ordinaryong mamamayan na gulping-gulpi na ng pagtaas ng presyo ng bilihin, kuryente at produktong petrolyo. Mula sa 10 percent ay itinaas ang VAT sa 12% sa ilalim ng Expanded VAT Law (2005) na…

Read More

MURANG BIGAS NG MARCOS ADMIN, MALAKING TULONG SA MGA TAGA-ALBAY – GOV. NOEL ROSAL

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng patuloy na hamon sa ekonomiya at kalamidad, isang makabuluhang hakbang ang inilunsad sa Malilipot, Albay—ang programang “Benteng Bigas Meron Na.” Isa itong konkretong patunay na ang pamahalaan, kapag kumilos nang may malasakit, ay kayang magbigay ng agarang ginhawa sa mamamayan. Hindi maikakaila na ang pagtaas ng presyo ng bilihin, lalo na ng bigas, ay mabigat na pasanin para sa maraming Pilipino. Kaya ang pagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo ay hindi lamang simpleng programa—ito ay isang lifeline para sa mga…

Read More

CAAP: PALIGID NG MAYON, NO-FLY ZONE

NITONG Linggo pinagbawalan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang lahat ng aircraft na lumipad nang direkta sa ibabaw ng Mayon Volcano sa gitna ng eruptive activity na ipinamamalas nito. Sa inilabas na Notice to Airmen ng CAAP, walang eroplano ang pinapayagang lumipad mula ground level hanggang 11,000 feet mula sa tuktok ng Mayon Volcano, lalo na sa loob ng ipinaiiral na six-kilometer radius danger zone. “This precautionary measure is being enforced due to the potential hazards posed by volcanic ash, airborne particles, and sudden volcanic activity, which…

Read More

DAMBUHALANG BLUEFIN TUNA, NALAMBAT SA QUEZON

ISANG dambuhalang bluefin tuna na tumitimbang ng 253 kilos, ang nalambat ng mga mangingisda sa Infanta, Quezon. Dumaong ang bangka sa Dinahican Fishport noong Sabado ng umaga, kung saan anim katao ang nagtulong-tulong upang maibaba ang napakalaking isda mula sa sasakyan-dagat. Ayon sa mga mangingisda, ilang araw nilang pinaghirapan ang pangingisda at paglalambat sa karagatang bahagi ng Pacific Ocean sa silangan ng Quezon at Aurora bago nila nahuli ang naturang tuna. Sa kabila ng laki at bigat ng huli, sa halip na malaking kita, problema sa presyo ang kanilang kinaharap.…

Read More

AFP, US FORCES MAGSASAGAWA NG LIVE FIRE EXERCISE SA LUZON

KASUNOD ng deployment ng US Marine Corps ng kanilang Navy-Marine Expeditionary Ship Interdiction System (NMESIS), isang makabagong land-based anti-ship missile system ang nakibahagi sa joint Balikatan 41-2026 “Maritime Key Terrain Security Operations” (MKTSO) na layuning palakasin ang kakayahan ng Pilipinas at US na depensahan ang mga estratehikong karagatan sa bansa. Nakatakda namang magsagawa ngayong Lunes Mayo 4, 2026, ng Counter-Landing Live Fire Exercise North ang mga sundalong kasali sa nagaganap na joint Balikatan 41-2026 sa La Paz Sand Dunes, Laoag City, sa Ilocos Norte. Bahagi ito ng mas malawak na…

Read More

DELIVERY RIDER, TIMBOG SA P4-M DROGA SA LUCENA

ARESTADO ang isang high value individual sa ikinasang buy-bust operation sa Lucena City matapos makumpiskahan ng mahigit dalawang daang gramo ng hinihinalang ilegal na droga. Kinilala ang suspek na si alyas “Charles”, 31-anyos, isang delivery rider at residente ng Parañaque City. Naaresto ang suspek bandang alas-7:40 ng gabi noong Mayo a-uno sa Purok Masagana, Barangay Ibabang Iyam, Lucena City, ng pinagsanib na puwersa ng Lucena City Police at Quezon Maritime Police, sa koordinasyon ng PDEA. Nakumpiska mula sa suspek ang anim na plastic bag at isang sachet ng hinihinalang shabu…

Read More

AFP PINURI ANG “ATIN ITO” COALITION MISSION SA WPS

wps22

PINURI at pinasalamatan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “Atin Ito” Coalition kaugnay ng isinagawa nitong civilian-led mission sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea na si Navy Reservist retired Rear Admiral Roy Vincent T. Trinidad, kinikilala ng militar ang naging matagumpay at matapang na paglalayag ng grupo patungong Pag-asa Island. “The Armed Forces of the Philippines (AFP) extends its heartfelt commendations to the ‘Atin Ito’ Coalition for their successful and courageous civilian-led mission to Pag-asa Island,” ani Trinidad. Sinabi ng…

Read More

TULFO, KINONDENA MGA NEGOSYANTENG LUMALABAG SA PRICE FREEZE; DTI HINIMOK MAGSAGAWA NG ON-SITE INSPECTION

KINONDENA ni Senador Erwin Tulfo ang mga mapang-abusong negosyanteng lumalabag sa price freeze na pinaiiral ng Department of Trade and Industry (DTI) hanggang Mayo 10, upang magsilbing proteksyon ng mga mamimili sa gitna ng tensyon sa Middle East. Napuna ni Tulfo na tila naging kampante ang ilang negosyante na magtaas ng presyo kahit may price freeze dahil sa paniniwalang hindi maaabot ng monitoring ng gobyerno ang mga lokal na pamilihan, lalo na ang maliliit na pwesto. “Iniisip siguro ng ilang negosyante, maliit lang ang pwesto ko sa palengke at hindi…

Read More