COTABATO – Nauwi sa aksidente ang isinagawang illegal drag race ng ilang motorcycle riders sa bahagi ng Cotabato-Kidapawan Highway, Barangay Ulamian, sa bayan ng Libungan sa lalawigan noong Sabado. Ayon sa report ng Libungan PNP, sumalpok sa isang tricycle ang isa sa mga motorsiklong kalahok sa karera na tinatawag ng mga lokal na “waswasanay”. Nagresulta ito sa pagkamatay ng rider na kinilalang si John Lloyd Calawigan, at ang pasahero ng nasalpok nitong tricycle na si Genevieve Daclan Villela, 42-anyos. Sugatan din at nasa ICU pa ang mister ni Villela na si Florante…
Read More4 MAGKAKAPAMILYA PATAY SA SUNOG SA CEBU CITY
CEBU CITY – Apat na miyembro ng pamilya ang namatay sa sunog na sumiklab sa mga kabahayan sa Sitio Sta. Lucia at Putat, Barangay Tinago, sa lungsod nitong Martes ng madaling araw. Ayon sa Cebu City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dakong ala-1:00 ng madaling araw na agad itinaas sa 4th alarm. Tumagal ang sunog ng apat na oras at naapula ang apoy pasado alas-5:00 ng umaga. Ayon sa BFP, umabot sa 41 kabahayan ang nilamon ng apoy. Nang maapula ang sunog, natagpuan ng mga tauhan ng BFP…
Read MoreROMUALDEZ DAPAT ITIGIL PAG-EPAL SA AYUDA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KINASTIGO ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte si House Speaker Martin Romualdez dahil sa malinaw umanong paggamit nito sa ayuda para sa pansariling interes. Sa prayer rally sa Cebu City noong Linggo ng gabi, hinamon ng batang Duterte si Romualdez na tanggalin ang pangalan sa mga ipinamamahaging ayuda. “Sige, lokohin niyo pa kami! Lokohin niyo pa kami!” may himik ng paghahamon na pahayag ni Duterte patungkol kay Romualdez. Nakarating umano sa kaalaman ng alkalde na tadtad ng pangalan ng lider ng Kamara ang mga ayudang…
Read MoreBAN KI-MOON SA SENADO
BUMISITA nitong Martes si dating United Nations Secretary General Ban Ki-Moon sa Senado. Sa pamamagitan ng isang resolusyon, kinilala ng mga senador ang pandaigdigang kontribusyon ni Ban sa pangangalaga sa kalikasan, peacekeeping efforts at sustainable development. Bilang sponsor ng Senate Resolution 929, si Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang nanguna sa pagkilala sa mga naitulong ni Ban sa iba’t ibang bansa sa loob ng sampung taon niyang panunungkulan bilang UN sec gen. Inalala rin ni Legarda ang pagbisita ni Ban sa Tacloban City noong 2013 matapos ang Typhoon Yolanda.…
Read MorePASSPORT NI TEVES KANSELADO NA – DOJ
KANSELADO na ang pasaporte ni dating Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr. Kinumpirma ito ni DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano kahapon. Aniya, nag-lapse ng 15 araw ang desisyon ng hukuman na kinakansela ang pasaporte ni Teves. Dahil dito, hiniling ng DOJ sa Timor-Leste na ipa-deport ang dating kongresista sa Pilipinas para harapin ang mga kasong murder na inihain laban dito sa Regional Trial Court. Samantala, inihayag ni Clavano na handang makipagtulungan ang pamahalaan ng Timor-Leste sa deportasyon ni Teves lalo na kung may request na mula sa Pilipinas. Si Teves…
Read More4.4-M MAKIKINABANG SA P106-B PONDO SA 4Ps
NAGLAAN ang pamahalaan ng P106.335 bilyon sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act (GAA) para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na naglalayong tulungan ang mahigit 4.4 milyong karapat-dapat na pamilya sa buong bansa. Binigyang-diin ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina Pangandaman na ang P106.335 bilyong inilaan sa 4Ps ay mas malaki kumpara sa inilaang budget para rito noong 2023 na P102.610 bilyon. Sakop ng nasabing alokasyon ang mga ayuda para sa kalusugan na nagkakahalaga ng P750 bawat…
Read MoreCHA-CHA MAGAGAMIT SA 2025 ELECTIONS
(BERNARD TAGUINOD) NANGANGAMBA ang isang mambabatas na magamit sa pamumulitika ang economic Charter change (Cha-cha) kapag isinabay ang plebisito sa 2025 midterm election. Pahayag ito ni Lanao del Norte Rep. Zia Adiong matapos kumpirmahin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isabay ang plebisito ng aamyendahang probisyon sa 1987 Constitution. Dahil dito, wala aniyang dahilan para madaliin ang pagpapatibay sa Resolution of Both Houses (RBH) No.6 ng Senado. “If we want to pass that and then simultaneously duon sa holding of the…
Read MoreGREAT MINDS UBOS NA?
DPA ni BERNARD TAGUINOD MAY kumakalat na memes ukol sa pagkukumpara sa magagaling na naging mga senador sa ating bayan sa ‘ilan’ sa kasalukuyang nakaupo ngayon sa Mataas na Kapulungan at posible pang madagdagan ang kanilang bilang kapag hindi nagbago ang mayorya sa mga botante sa 2025 midterm election. Sa kumalat na memes sa social media na pinakamagatang “Filipino senators famous quotes,” nabanggit ang pangalan ng great minds tulad nina Jovito R. Salonga, Gerry Roxas, Ninoy Aquino, Lorenzo Tanada, Raul Roco, Miriam Defensor Santiago, Pepe Diokno at Claro M. Recto.…
Read More2025 NAT’L AND LOCAL POLLS MAGKAKADAYAAN?
PUNA ni JOEL O. AMONGO KUNG pagbabasehan natin ang sinabi ni Commission on Election (Comelec) Chairman George Garcia kamakailan, posibleng magkaroon ng dayaan sa darating na 2025 national and local elections. Nagbabala ang hepe ng Comelec sa mga aspirante sa 2025 national and local elections na maging mapagbantay laban sa mga sindikato na nangingikil ng pera kapalit ng madaling panalo sa darating na eleksyon. Ayon kay Garcia, naka-monitor sila sa ilang lugar sa Luzon at Mindanao kung saan may mga indibidwal na nagsabing may kakilala mula sa Information Technology Department…
Read More