SNATCHER NASUKOL SA FOLLOW-UP OPS

ARESTADO ng mga tauhan ng San Nicolas Police Community Precinct, sakop ng Meisic Police Station 11 ng Manila Police District, ang isang 23-anyos na umano’y snatcher makaraang humingi ng tulong ang biktimang online seller na inagawan nito ng cellphone sa San Roque Street, Barangay 20, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jomar”, binata, driver, residente ng Isla Puting Bato, Brgy. 20, Tondo.

Ayon sa ulat ni Police Major Joselito Baun Delos Reyes, hepe ng PCP, bandang alas-3:00 ng hapon nang humingi ng tulong ang 33-anyos na ginang makaraang hablutin ng suspek ang kanyang cellphone.

Agad namang nagresponde ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, dakong alas-4:20 ng hapon, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa Delpan Street malapit sa Lavezares Street sa Binondo.

Bago dinala sa presinto ang suspek, isinailalim muna ito sa medical examination sa Justice Jose Abad Santos General Hospital.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 293 ng Revised Penal Code (Robbery Snatching).

(RENE CRISOSTOMO)

48

Related posts

Leave a Comment