LALAKI PINAPUTUKAN SA HARAP NG TINDAHAN

baril

CAVITE – Inoobserbahan sa ospital ang isang 38-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin habang nakaupo sa harapan ng kanyang tindahan sa Gen. Trias City nitong Huwebes ng madaling araw. Unang isinugod sa Divine Grace Medical Center ngunit inilipat sa Tanza Specialist Hospital ang biktimang si Lumabu Bansil Abduladziz dahil sa tama ng bala sa katawan. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na sakay sa isang motorsiklo na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa ulat, nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang tindahan sa Arnaldo Highway, Brgy. Sta. Clara,…

Read More

KALMADO, CREDIBLE 2025 POLLS PANAWAGAN SA MGA KANDIDATO

NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga lokal na kandidato sa nalalapit na May 12 elections na maging kalmado at panatilihin na maayos ang pangangampanya. Ang panawagan ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ay bago pa magsimula ang campaign period para sa mga lokal na kandidato sa Marso 28. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Castro na umaasa ang pamahalaan ng isang kapani-paniwalang 2025 elections, isinaalang-alang na rito ang pagbaba ng mga lugar na nahaharap sa poll-related threats. “Tayo po ay iyan din ang ninanais ng…

Read More

Sa pagbalewala sa CIF isyu VP SARA TUMATAKAS SA PANANAGUTAN

DISMAYADO ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa asal ni Vice President Sara Duterte sa isyu ng Confidential and Intelligence Funds (CIF) nito na indikasyon umano na umiiwas ito sa kanyang pananagutan. “Ipinakita niya na wala siyang pakialam sa isyung ito. Instead of addressing the mounting evidence against her, she continues to shrug it off as if it were a joke,” pahayag ni Deputy majority leader Paolo Ortega V. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil tila balewala umano kay Duterte ang mga ebidensyang hawak ng House prosecution panel hinggil sa mga…

Read More

HARAPIN MO KASO MO DITO SA ‘PINAS — MGA SOLON KAY ROQUE

WALA nang dahilan si dating Presidential spokesman Atty. Herminio ‘Harry’ Roque Jr. na manatili sa Netherlands at gamitin ang kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte para takasan ang kanyang pananagutan dito sa Pilipinas. Ito ang iisang tinig ng mga mambabatas sa mayorya at minorya sa Kamara de Representante matapos makumpirma na hindi na kasama si Roque sa mga abogadong magtatanggol kay Duterte sa International Criminal Court (ICC). “Tutal hindi ka naman pala magiging abogado ng dating pangulo, Harry, umuwi ka na at harapin mo ang mga kaso mo dito sa…

Read More

GOV’T RESOURCES GAMIT NG ADMIN VS OPOSISYON – VP SARA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINATUTSADAHAN kahapon ni Vice President Sara Duterte ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginagamit ang resources ng gobyerno laban sa mga kalaban nito. Sa pagdinig kahapon ng Senado kaugnay sa pagdakip kay Dating pangulong Rodrigo Duterte, dumalo si VP Sara sa pamamagitan ng video conference. Aniya, alam ng lahat at alam din ng gobyerno na mali ang ginawa nitong pagsuko sa dating pangulo sa International Criminal Court (ICC) kung saan ito nahaharap sa reklamong crimes against humanity. “Alam naman natin lahat at alam nila…

Read More

DIGONG KAYANG IDIIN NG MGA EBIDENSYA SA ICC

KAHIT bigyan ng Supreme Court ng mandato ang Philippine government hinggil sa premises ng habeas corpus, malakas pa rin umano ang mga ebidensya ng International Criminal Court (ICC) para madiin at makulong ng maximum of 30 years si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ang binigyang-diin ni ICC accredited lawyer Joel Butuyan sa idinaos na Meet the Manila Press sa Orosa St., Malate, Manila kahapon ng umaga. Nilinaw ng abogado, hindi na responsibilidad ng Philippine government, maging ng Korte Suprema ang nomang legal remedies para mapagaan ang kasong Crimes Against…

Read More

DIREKTIBA NI PBBM PARA SA TULOY-TULOY NA SERBISYO; PHILHEALTH, TINANGGAL NA ANG 45-DAY BENEFIT LIMIT

Muling pinatunayan ni PhilHealth Acting President and CEO Dr. Edwin M. Mercado na isakatuparan ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking “tuloy-tuloy ang serbisyo ng PhilHealth” sa pagtanggal ng polisiya nitong 45-day benefit limit. “Ang 45-day limit sa paggamit ng benepisyo ay lumang estratehiya sa pagkontrol ng gastos. Ngunit sa pagbabago ng ating payment mechanism, napapanahon nang repormahin ito dahil hindi natin mahuhulaan kung kailan mangangailangan ng serbisyong medikal ang mga kababayan natin. Marami sa mga serbisyo ang kinakailangan higit sa 45 araw. Kaya naman nagpapasalamat tayo…

Read More

ROQUE ‘EPAL’ LANG SA KASO NI DUTERTE SA ICC – DOJ

TINAWAG na “irrelevant” at walang kwenta si dating Presidential Spokesperson Harry Roque dahil umano sa pakikiepal nito sa isyu ng International Criminal Court (ICC). Ito ang tahasang inihayag ni Justice Secretary Jesus “Crispin” Remulla hinggil sa mga kasong crimes against humanity na isinampa laban kay dating pangulong Duterte sa The Hague, Netherlands. Sa “Kapihan sa Manila Bay” sa Cafe Adriatico, Malate, Manila, sinabi ni Remulla na sinisiksik lamang ni Roque ang kanyang sarili sa isyu upang magmukhang relevant. “Wala siyang kinalaman dito. Wala siyang bilang,” aniya. Hinikayat din ni Remulla…

Read More

MAY LIBRENG ANTI-RABIES VAX SA ‘FUR BABIES’ SA MAYNILA

BILANG bahagi sa “Rabies Awareness Month,” inaanyayahan ng pamahalaang lungsod ang mga residente ng Maynila na may alagang “fur babies”, na samantalahin ang libreng anti-rabies vaccination na regular na ibinibigay ng city government sa maraming venues. Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ang lokal na pamahalaan ay may vaccination program para sa mga alagang aso at pusa na ginagawa sa City Hall, ng Manila Health Department (MHD) sa ilalim ni Dr. Arnold Pangan. Ito ay bukod pa sa libreng bakuna na ibinibigay tuwing may “Kalinga sa Maynila” na umiikot sa…

Read More