ARESTADO sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na ginawa umanong sex slave ang tatlo niyang anak na batang babae sa kanilang bahay sa Parañaque City. Ayon sa ulat ni NBI Deputy Director Atty. Ferdinand Lavin kay NBI Director Jaime Santiago, inireklamo ng nakatatandang kapatid na lalaki ng mga biktima ang suspek noong Marso 6 hinggil sa pang-aabuso sa mga bata na may gulang na 11, 9 at 5. Ayon sa salaysay ng kapatid na lalaki, nagsimulang halayin ng kanilang ama ang magkakapatid noong taong…
Read More328 CORRECTIONS OFFICERS NAGTAPOS SA COCBC
MATAGUMPAY na natapos ng nasa 328 Corrections Officers ang kanilang Corrections Officer Custodial Basic Course (COCBC) sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Corrections National Training Institute (CNTI) Parade Ground sa New Bilibid Prisons, Muntinlupa City kahapon. Pinangasiwaan ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang oath taking ng Class 2024-02 DASIG Tikas, which stands for “Disiplinadong Aksyon na may Sinsiridad at Integridad Gabay sa Tungkulin ng Institusyong Koreksyon at Alay sa Sambayanan – para sa Bagong Pilipinas.” Ang CNTI ay gumagawa ng kabuuang 1,008 graduates…
Read MorePRUTAS, KAMOTE NABIGYAN DIN NG CONFI FUNDS NI INDAY
HINDI lamang katunog ng tsitsirya at pangalan ng cellphone ang recipient o nakatanggap ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte kundi prutas, kamote at isang gang. Ito ang natuklasan ng House prosecution panel na patuloy na sumusuri sa mga pangalan na isinumite ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa Commission on Audit (COA) na recipient ng confidential funds ng Pangalawang Pangulo. “Una, may chichirya at cellphone. Ngayon, may prutas at kamote na. At higit sa lahat, mukhang ‘Dodong Gang’ na ito! Hindi lang…
Read MoreMarcos, iba pa, namumuro sa kaso GRAND CONSPIRACY SA ‘PAGDUKOT’ KAY DU30
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) POSIBLENG maharap sa kasong kriminal sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., National Security Adviser Eduardo Año, Defense Secretary Gilbert Teodoro, at DILG Secretary Jonvic Remulla matapos ibunyag mismo ng huli ang kanilang partisipasyon sa paghuli at pagsurender kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ibang bansa. Ayon kay Atty. Raul Lambino, maituturing itong isang “grand conspiracy” kung saan sangkot mismo si Marcos Jr. at kanyang mga gabinete sa isang ilegal at planadong operasyon upang sapilitang alisin si Duterte sa bansa. Iginiit ni Lambino na mismong mga pahayag…
Read MoreMuling umapela ng katarungan KAMAG-ANAK NG EJK VICTIMS UMAASANG MADARAGDAGAN PA ANG DADAMPUTIN NG ICC
EMOSYUNAL na nagtipon ang mga pamilya ng 18 biktima ng extrajudicial killings (EJKs) para sa kanilang inurnment sa Dambana ng Paghilom sa La Loma Cemetery sa Caloocan City. Nagsilbi ang seremonya bilang pagkakataon ng pagluluksa at muling pagtawag para sa katarungan, kasunod ng pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay sa dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang naghihintay ng paglilitis sa The Hague, Netherlands. “Matatanggap na ng anak ko ang hustisya niya. Hindi lang sa anak ko, kundi sa iba niyang pinagpapatay na tao,” pahayag ni Crispin Cena, na ang…
Read MoreMARTIAL LAW MALABONG MANGYARI – GARIN
TINAWAG na ispekulasyon at malaking fake news ang kumakalat na impormasyon na magdedeklara umano ng martial law si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kaya hindi matutuloy ang midterm elections sa nalalapit na buwan ng Mayo. “Napakalayo sa katotohanan noong fake news na magkaka-martial law,” anang House Deputy Majority Leader Janette Garin, matapos lumutang ang isyu na posibleng magdeklara si Marcos ng batas militar kapag nagtuluy-tuloy ang kilos protesta ng mga supporter ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ngayo’y nahaharap sa reklamong crimes against humanity sa International Criminal Court sa The…
Read MoreMGA KONTRA SA PROMOSYON NG 278 AFP OFFICIAL PINAGSUSUMITE NA NG REKLAMO
PINAYUHAN ng isang miyembro ng Commission on Appointment (CA) ang mga kontra sa promosyon ng halos tatlong daang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maghain na ng reklamo kung mayroon man silang nais idulog sa mga kinauukulan. “The public is encouraged to submit any information, written reports, or sworn/notarized complaints or oppositions against any of the appointees to the CA Secretariat,” ani CA Assistant Minority Leader at Surigao del Sur representative Johnny Pimentel. Ginawa ng mambabatas ang panawagan matapos matanggap ng makapangyarihang komisyon ang appointment papers ng…
Read MoreNAIRITA SA INGAY SA TAGAYAN, NANAGA
CAVITE – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 34-anyos na construction worker makaraang tagain ng isang hardinero nang magtalo dahil sa nakabubulahaw umanong ingay ng mga nag-iinuman sa bayan ng Alfonso sa lalawigan noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Jonnei Dicon, residente ng Brgy. Buck Estate, Alfonso, Cavite. Arestado naman ang suspek na si alyas “Felix”, 44, kapitbahay ng biktima. Ayon sa ulat, nag-iinuman umano ang biktima at ilang kaibigan nito sa tindahan ng dating live-in partner ng suspek sa Brgy. Buck Estate, nang sitahin ng…
Read MoreP3-M SHABU NASABAT SA BIGTIME DRUG SUSPECT
BATANGAS – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang hinihinalang “bigtime” na sangkot sa bentahan ng ilegal na droga sa isinagawang operasyon sa Barangay 7, sa bayan ng Cuenca sa lalawigan noong Biyernes ng hapon. Hindi nakapalag ang suspek na si alyas “Tatay,” 57, isang welder, residente ng San Pascual, Batangas, nang dakmain ng nagsanib puwersang mga tauhan ng Provincial Director Drug Enforcement Unit (OPD-DEU), Cuenca Police at Philippine Drug Enforcement Group – Special Operations Unit 4A (PDEG-SOU4A) bandang alas-3:10 ng hapon. Nakumpiska mula sa suspek ang limang malalaking…
Read More