GOBYERNO KINALAMPAG NG MGA NEGOSYANTE SA KIDNAPPING INCIDENTS

“AN attack on the Philippines’ peace and order is an attack on the stability of our society and our ideals as a democracy.” Ito ang sama-samang pahayag ng iba’t ibang grupo ng mga negosyante sa Pilipinas kaugnay sa nagaganap na kidnapping incidents sa bansa kasabay pagkondena at sigaw ng katarungan para sa pinatay na negosyanteng si Anson Que o Anson Tan at sa driver nito kahit na nagbayad na ng ransom ang pamilya nito. “With outrage and grief, we deplore with the strongest possible terms the heinous, barbaric kidnapping and…

Read More

Iniyabang ni Abby sa Taguig CAMPAIGN FUNDS NI ZAMORA LIMPAK-LIMPAK

MISTULANG ipinangalandakan ni Makati Mayor Abby Binay ang “limpak-limpak” na campaign funds ni Incumbent Rep. Pammy Zamora sa ginanap na campaign sorties nito sa CEMBO, Taguig City na tila ipinang-aakit umano ng boto para sa kanilang kandidatura. Sa ginanap na campaign rally sa CEMBO, Taguig City, sinabi ni Mayor Abby na kaya may lakas nang loob siyang humarap sa taga-Taguig, dahil mayroon itong eendorso na maging kasama at kasangga upang magkaroon siya ng counterpart sa Kongreso sakaling mahalal sa Senado. “Kaya may lakas ng loob akong humarap sa inyo, dahil…

Read More

FIL-CHI BUSINESSMEN PINULONG NI PNP CHIEF MARBIL

UPANG mapawi ang takot, nakipagpulong si PNP chief General Rommel Francisco Marbil sa grupo ng Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FCCCII), Biyernes ng umaga sa Camp Crame. Tiniyak ni Marbil na nananatiling kontrolado ng pambansang pulisya ang sitwasyon ng siguridad sa bansa sa kabila ng sunod-sunod na insidente ng kidnapping. Dumalo rin sa pagpupulong ang matataas na opisyal ng PNP. Kabilang sa kanilang tinalakay ay ang tugunan ang lumalalang agam-agam ng Filipino-Chinese community para sa kanilang kaligtasan at seguridad. Matatandaan na isang14-anyos na Tsinoy ang pinutulan pa ng…

Read More

MAG-ASAWANG KOREANO NA SANGKOT SA TELCO FRAUD HULI SA MAKATI

HAWAK na ng Bureau of Immigration (BI) ang mag-asawang Korean national na wanted sa South Korea dahil sa malakihang telco fraud. Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang mga suspek na sina Choi Jeongyun at Kim Minwoo, parehong 41-anyos, na dinakip sa kanilang bahay sa Barangay Carmona, Makati noong Abril 4. Ang dalawa ay may red notice mula sa Interpol dahil sa arrest warrant na inilabas ng Chucheon District Court sa Korea. Sinasabing sangkot ang mag-asawa sa voice phishing kung saan nakapanloko sila ng higit US$840,000 mula sa mga…

Read More

84 CHINESE NA HINULI SA POGO NA-DEPORT NA

NAIPA-DEPORT na ang 84 na Chinese nationals na naaresto sa magkakahiwalay na POGO hub sa bansa. Lulan ng Philippine Airlines, lumipad kaninang 6:35 ng umaga ang eroplano na naghatid sa mga dayuhan papuntang Beijing, China na direct flight o walang stop over. Mula sa 84 ay 75 sa kanila ang lalaki, habang siyam ang babae. Karamihan sa kanila ay naaresto sa POGO hub sa Parañaque at Pasay City, habang ang Ilan ay nahuli naman sa Bamban, Tarlac at sa Lapu-Lapu Cebu. Siniguro ng Department of Justice, Bureau of Immigration at…

Read More

CASH SA HALIP NA NAKAKA-DIABETES NA CAKE

Hirit na pa-birthday sa seniors ng Maynila HINILING ng mayorya ng senior citizens sa Lungsod ng Maynila na cash na lang ang iregalo sa kanilang mga kaarawan kaysa sa nakaka-diabetes na cake. Request granted naman ang sagot ng pamahalaang lungsod sa kanilang kahilingan kaya sa halip na birthday cake mula sa city government ay cash na ang kanilang matanggap tuwing kanilang kaarawan. Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, pinag-usapan nila ni Vice Mayor Yul Servo na amyendahan ang umiiral na city ordinance para suportahan ang nasabing plano. Sinabi pa ni…

Read More

NAKADEPOSITONG ENERGY RESOURCES SA TALAMPAS NG PILIPINAS PROTEKSYUNAN – TOL

Para kay Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino, panahon na para kumilos ang bansa para protektahan ang mga nakadepositong energy resources sa exclusive economic zone (EEZ) nito, partikular sa Talampas ng Pilipinas. “DAPAT nang kumilos ang bansa para protektahan ang mga nakadepositong energy resources sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) nito, partikular sa Talampas ng Pilipinas.” Ito ang binigyang-diin ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino, sa gitna ng patuloy na panghihimasok ng mga barko ng China Coast Guard sa West Philippine Sea at namataan na Chinese research ship…

Read More

SCP para sa armed rebels patunay ng “healing and reconciliation”

“Ito ay isang paanyaya sa lahat ng rebelde na ihinto ang armadong pakikibaka” MANILA – Ang kamakailang memorandum order ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. hinggil sa pagbibigay ng Safe Conduct Passes (SCP) sa mga armadong rebelde ay itinuturing ng Malacañang na isang makapangyarihang hakbang tungo sa pambansang pagpapagaling at pagkakasundo. Inaasahang palalakasin ng hakbang na ito ang mga pagsisikap ng gobyerno sa reintegrasyon ng mga dating mandirigma, sa pamamagitan ng pagpapadali sa pag-access sa isang mas inklusibo at ligtas na proseso ng amnestiya. Sa ilalim ng nilagdaang direktiba, binibigyan…

Read More

Anti-bullying CCTV cameras, IT gadgets, swak sa ‘smart schools’ na pangako ni Ate Sarah sa mga batang Pasig

“Ang mga paaralan ay dapat na prayoridad ang kaligtasan at pagkatuto ng mga bata sa pamamagitan ng IT-driven learning, inklusibong scholarships, at paglaban sa bullying.” PASIG City – Nakapaloob sa ‘smart schools’ na pangako Sarah Discaya para sa mga batang mag-aaral sa lungsod na ito ang IT gadgets at learning supplies at CCTV camera upang mapigilan ang bullying sa mga paaralan. “Ang paglagay ng anti-bullying measures ‘tulad ng CCTV cameras sa ‘smart schools’ na pangarap ko para sa mga batang mag-aaral ay pananggalang laban sa mga batang maton o mambu-bully,”…

Read More