EMERGENCY CELL BROADCAST SYSTEM (ECBS) GINAGAMIT SA POLITICAL CAMPAIGNING

MARIING kinondena ng Office of Civil Defense ang napaulat na paggamit ng Emergency Cell Broadcast System (ECBS) sa political campaigning ng ilang grupo. “We have referred this matter to the National Telecommunications Commission (NTC) for appropriate investigation and action. The OCD is actively coordinating with relevant agencies to thoroughly investigate these incidents and ensure that those responsible are held accountable to the fullest extent of the law,” ayon sa OCD. Ito ay matapos na makatanggap ng mga ulat ang kanilang tanggapan na maraming residente mula sa mga probinsiya ang nakatatanggap…

Read More

AGRI, SMEs MANANATILING PRAYORIDAD NI CAMILLE

MAGHAHANAP si Camille Villar ng karagdagang suporta para sa agrikultura, edukasyon at maliliit na negosyo sa sandaling siya ay maluklok sa Senado sa Mayo. Ginawa ni Camille ang pangako sa kanyang pagbisita sa Tagoloan, Misamis Oriental noong weekend. Sa pagtakbo bilang senador sa eleksyon sa Mayo, nagpapasalamat si Camille Villar sa mainit na pagtanggap at suporta sa kanyang pakikipag-usap sa mga lokal na opisyal at alkalde. Itinutulak din niya ang pagsulong ng maliliit at katamtamang laki ng mga negosyo, na aniya ay itinuturing na gulugod ng ekonomiya para sa kakayahan…

Read More

PNP KUMBINSIDONG PAGNANAKAW LANG PAKAY NG 8 PULIS SA NEGOSYANTENG CHINESE

NANINIWALA si NCRPO Deputy chief for Administration Police Brig Gen. Rogelio Peñones Jr. na pagnanakaw talaga ang motibo ng walong tauhan ng EPD-DSOU nang pasukin ng mga ito ang bahay ng isang negosyanteng Chinese. Pinasok ng mga pulis ang bahay ng dayuhan noong Abril 2 dakong ala-una ng hapon sa Portofino Heights, Barangay Almanza Dos sa Las Piñas para silbihan ng maling warrant of arrest. Ayon kay Peñones Jr., hulidap ang lakad ng mga nasabing pulis matapos nilang limasin ang pera, alahas, at mahahalagang gamit ng Chinese na umaabot sa…

Read More

Sa pagbasura sa kaso ng 17 OFWs; AKO-OFW NOMINEE NAGPASALAMAT SA QATARI GOVERNMENT

NAGPASALAMAT si AKO-OFW nominee Joseph Rivera sa Qatari Government matapos ibasura ang kaso ng 16 overseas Filipino workers (OFW) na kasama niya sa pagtitipon sa isang resort sa Qatar. Pero nanindigan si Rivera na walang naganap na political protest o rally kundi isang payapang family picnic o bonding lamang. Marami kasi ang lumabas na balitang nagsagawa ng kilos protesta ang kanilang grupo kasabay ng kaarawan ng dating pangulong Rodrigo Duterte na siyang taliwas sa umano’y tunay na rason ng kanilang pagtitipon. Ayon kay AKO-OFW nominee Joseph Rivera, taos-puso rin ang…

Read More

PASIG HOSPITAL, UNIVERSITY PRAYORIDAD NI DISCAYA

MAGPAPATAYO ng modernong Pasig Hospital at Pasig University si Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya sakaling palaring maluklok sa pwesto bilang alkalde ng lungsod. Bukod dito, tiniyak ni Discaya na tututukan ang mga proyektong pabahay bago isulong ang layuning gawin ang Smart City Hall. Aniya, mas marami kasing residente ang makikinabang sa pagkakaroon ng maayos na unibersidad at ospital. Target ni Discaya na makapagpagawa ng state-of-the-art public hospital at bagong 11-storey university building. Ayon kay Discaya, nakababahala na hanggang sa ngayon ay walang moderno at fully-equipped hospital sa Pasig City…

Read More

BAM AQUINO, INENDORSO SA VALENZUELA

NANGAKO si Senador Sherwin Gatchalian kay dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino ng panalo kasabay ng pag-endorso sa kanyang kandidatura sa darating na halalan sa Mayo. “Sisiguruhin namin ang iyong pagpanalo dito sa Valenzuela,” pahayag ni Gatchalian.”Kasama mo kami, kaibigan mo kami. Lahat kami dito, campaign manager mo. Makakaasa ka na dito sa Valenzuela, ipapanalo ka namin,” dagdag ng senador. Ginawa ni Gatchalian ang endorsement sa pagdalo ni Aquino sa Kuya Win Scholars Assembly sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela. Ayon kay Gatchalian, mahalagang makabalik si Aquino sa…

Read More

EXPANDED MAGNA CARTA PARA SA MGA TSUPER ITUTULAK NI BRIAN POE

TITIYAKIN ng FPJ Panday Bayanihan party-list na ganap na maipatupad ang Magna Carta para sa mga driver ng pampublikong transportasyon upang protektahan ang kanilang karapatan at mapaglaanan ng sapat na benepisyo. Sinabi ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ PL, ninanais niyang palawigin ang panukala upang masaklaw ng benepisyo ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan. May nakahaing House Bill 11227, na kilala rin bilang Magna Carta para sa mga Tricycle Drivers at Operators. “Puntirya natin gawing expanded ang panukalang batas na nangangalaga sa lahat ng  tsuper para sa mga…

Read More

PAGGAMIT SA SOCIAL MEDIA PARA SA MABUTING PAGBABAGO

 THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO HINDI naman na bago na madaling kumalat ang mga istorya sa social media, at madalas, mga negatibo o hindi magagandang pangyayari ang nagte-trending. Parang dumarami pa nga ito. Nariyan ang hindi matapos-tapos na mga insidente ng karahasan sa mga hayop na talaga namang pumupukaw sa atensyon at emosyon ng mga tao. Tapos nagkaroon pa ng sunod-sunod na road rage incidents, na itong isa nga kamakailan umabot sa pagpapaputok ng baril na kalaunan, nagdulot ng pagkamatay ng isa sa mga tinamaan. Mayroon ding mga usaping may…

Read More

MAGKAPATID NA VARGAS IKINAKABIT NA NAMAN SA KONTROBERSYA SA TUPAD

CLICKBAIT ni JO BARLIZO TOTOO nga ba ang malapit sa kalan ang unang nauulingan? Baka nga. Pero iba na kasabihan ngayon: ang pinakikinabangan ay mabibiyayaan at makikinabang. Gawin nating sampol ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program. Kapag TUPAD ang pinag-uusapan ay maraming kuwentong ‘di kanais-nais. Kesyo, ‘yung malapit sa naglilista o sa opisyal ang nakakasama gayung hindi kwalipikado. Diyan sa Quezon City ay may isyu rin ang TUPAD. Eto, ayon sa ilang benepisyaryo, binibiyak-biyak daw ng magkapatid na QC District 5 Congressman PM Vargas at…

Read More