PIYANSA NG FOREIGN INMATES SA BI, FOR SALE?

BISTADOR ni RUDY SIM “TATLONG milyong piso” para sa pansamantalang kalayaan ng isang Chinese national? Ito ang usap-usapan ngayon na kumakalat sa loob ng piitan ng warden facility ng Bureau of Immigration kung saan nakakulong ang iba’t ibang dayuhang may kinahaharap na iba’t ibang kaso. Ayon sa nakarating sa atin na tsismis sa loob ng piitan, naging kagulat-gulat ang halaga na ibinayad umano ng isang nagngangalang WANG WENJING. Nang ito ay magkwento sa kanyang kasamahan inmates para ito makalaya sa pamamagitan ng bail o piyansa, ay nagbayad umano ito ng…

Read More

SALUDO KAY VP SARA DUTERTE

TARGET NI KA REX CAYANONG SA gitna ng mga hamon ng kasalukuyang panahon, napatunayan ni Vice President Sara Duterte ang kanyang kakayahang maglingkod nang may malasakit at mabisang aksyon para sa ikabubuti ng bawat mamamayan ng bansa. Ang kanyang mga programa at inisyatiba ay patunay ng kanyang dedikasyon sa pagsulong ng edukasyon, seguridad, at paghubog ng mas matibay na kinabukasan para sa mga Pilipino. Isa sa pinakamakabuluhang mga hakbang ni VP Duterte ay ang pagtuon sa pagpapatatag ng sektor ng edukasyon noong siya naging kalihim ng DepEd. Noon ay inilunsad niya…

Read More

Pagsusulong sa Animal Welfare

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MAHALAGANG usapin sa bansa ang pangangalaga ng kapakanan ng mga hayop dahil hindi maikakailang marami pa ring mga tao na nagmamalupit sa kanila. Noong 2020, iniulat ng Compassion and Responsibility for Animals (CARA) Welfare Philippines ang 3,000 kaso ng pagmamalupit sa hayop at kabilang sa mga karaniwang anyo ng pang-aabuso ang pambubugbog, pagsipa, pagsunog, at pagkatay sa mga hayop. Hindi natin maikakaila na malapit ang loob ng maraming Pilipino sa mga hayop. Mula sa ating sariling mga alagang hayop hanggang sa mga hayop sa lansangan,…

Read More

PBBM HINDI KUMASA KAY ATTY. RODRIGUEZ

(CHRISTIAN DALE) UMATRAS sa hamon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tumangging sumailalim siya sa hair follicle drug test. Ang katwiran ng Chief Executive, wala naman itong koneksyon sa constitutional principle na “public office is a public trust.” Tugon ito ng Pangulo sa panawagan ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa isinagawang GMA Network’s ‘Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025’ nitong Sabado, Pebrero 1. Hinikayat ni Rodriguez si Pangulong Marcos na sumailalim sa ‘credible hair follicle test’ para ‘once and for all’ ay mabalewala na ang paratang sa…

Read More

PROTESTA KONTRA ‘INUTIL’ NA MARCOS ADMIN KASADO

GALIT na ang sambayanang Pilipino dahil lumalabas na walang kakayahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na panagutin ang mga nagkasala, paglala ng kalagayan ng mga tao at katiwalian. Ito umano ang mensahe ng kilos protesta sa EDSA noong Enero 31, na ayon sa grupo Bayan Muna ay masusundan ng mas malaki at malawakang pagkilos sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25. “The January 31 protest reflects public dissatisfaction and outrage over the inept leadership of Marcos. As families reel from the cost of living crisis, Marcos…

Read More

P200 ACROSS-THE-BOARD WAGE HIKE APRUB SA HOUSE PANEL

INAPRUBAHAN ng House committee on labor and employment nitong Huwebes ang panukalang batas na nagbibigay ng dagdag na P200 sa arawang sahod para sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor. Ang pag-apruba sa panukala ay nangyari matapos ang pakikipagpulong ni House Speaker Martin Romualdez sa mga lider ng iba’t ibang grupong manggagawa kung saan napag-usapan ang umento sa sweldo. Pinagtibay ng komite, sa pangunguna ni Rizal 2nd District Rep. Juan Fidel Felipe Nograles, ang mosyon ni Cotabato 3rd District Rep. Ma. Alana Samantha Santos na aprubahan ang substitute bill para…

Read More

LAGYAN NA NG MGA GAMOT AT GAMIT LAHAT NG GOV’T HOSPITALS – CONG TULFO

ISUSULONG ngayong araw ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at iba pang mga kasamahan sa Kongreso ang batas na magtatakda sa Department of Health (DOH) na lagyan na ng mga gamit at gamot ang lahat ng mga ospital ng pamahalaan sa buong bansa partikular na sa mga liblib na lugar. Ang panukalang batas “Universal Medical Access and Equipment Act of 2025” ay ihahain ni Cong. Tulfo, kasama sina ACT-CIS Representatives Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Benguet Cong. Eric Yap at Quezon City Rep. Ralph Tulfo. “Nakakasawa nang marinig mula sa mga kababayan…

Read More

CRUISE TOURISM BUMALIK NA SA ANTAS NG PRE-PANDEMIC

NAGTALA ang Philippine Ports Authority (PPA) ng kapansin-pansing 61.9 percent na pagtaas sa cruise passenger arrivals noong 2024, na umabot sa 142,574 na mga pasahero Ayon sa PPA, ito ay isang makabuluhang pagtaas mula sa 88,080 noong 2023. Sinabi ng ports authority, nagmarka ng pinakamataas na bilang ng post-pandemic para sa bansa, ang mga proyekto ng ahensya at nagpapatuloy sa paglago sa 2025 na umaasa ng 185,000 na mga pasahero sa cruise, isang 29.8 percent na pagtaas mula sa nakaraang taon. Samantala, upang suportahan ang lumalagong cruise tourism industry, ang…

Read More

2 TIRADOR NG MOTORSIKLO TIKLO SA FOLLOW-UP

SWAK sa kulungan ang dalawa sa tatlong tirador ng motorsiklo makaraang mahagip ng CCTV ang umano’y pagnanakaw ng mga ito ng isang motorsiklo sa Barangay 783, Sta. Ana, Manila noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na sina alyas “Jeremiah”, 26, at “Bryan Bilen”, 18, kapwa residente ng Sta. Ana, habang nakaeskapo ang kasama nilang si alyas “Andy Boy”. Base sa ulat ni Police Major Christian Dee Cacho, hepe ng District Anti – Carnapping unit (DACU) ng Manila Police District, bandang alas-5:38 ng hapon nang dumulog ang complainant na si…

Read More