10,000 ILLEGAL RESIDENTS NG MAKATI PINETISYON SA KORTE

TINANGGAP ni Cynthia Sanchez, Record Officer 1 ng Makati Metropolitan Trial Court mula sa isang kinatawan ng United Nationalist Alliance o UNA ang mga dokumento na naglalayong madiskwalipika ang mahigit 10,000 diumano’y mapanlinlang na mga rehistro na hindi bonafide na residente ng Makati.(Danny Bacolod) NAGHAIN ng petisyon ang United Nationalist Alliance o UNA sa Makati Metropolitan Trial Court, na naka-angkla sa Section 35 ng Republic Act 8189 (The Voter’s Registration Act of 1996), na naglalayong madiskwalipika ang mahigit 10,000 diumano’y mapanlinlang na mga rehistro na hindi lehitimong residente ng Makati…

Read More

MERALCO HANDA PARA SA NALALAPIT NA HALALAN

Lumahok kamakailan ang Manila Electric Company (Meralco) sa isinagawang 2025 mock elections na pinangunahan ng Commission on Elections (COMELEC) para matiyak ang maayos at maaasahang serbisyo ng kuryente para sa halalan sa ika-12 ng Mayo. Nagsagawa ng simulation ang mga crew ng Meralco para sa agarang pagtugon sa mga alalahanin sa serbisyo ng kuryente na maaaring mangyari sa panahon ng halalan kagaya ng bumagsak na linya ng kuryente, problema sa loadside, at mga outage na dulot ng sunog. Makikita sa larawan ang simulation ng pagtugon ng mga crew ng Meralco…

Read More

POPULARIDAD NI SOTTO, UNTI-UNTING NABABAWASAN

UNTI-UNTI na umanong nababawasan ang popularidad at suporta sa re-electionist na si Pasig City Mayor Vico Sotto, bunsod ng kinakaharap na dalawang kaso ng graft sa Office of the Ombudsman. Base sa pinakahuling “Pulso ng Pasig” survey, ang ratings ni Sotto ay bumaba mula sa 68% ay naging 52% na lamang, dahil umano sa kanyang poor performance sa paghahatid ng serbisyo publiko. Ang naturang graft cases ay inihain ng isang residente ng Pasig laban kay Sotto sa Office of the Ombudsman, habang isang temporary restraining order (TRO) laban sa bagong…

Read More

US EMBASSY NAGBABALA LABAN SA VISA SCAM

BINALAAN ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas ang publiko hinggil sa US visa scam na kumakalat sa mga social media na layunin ay makapanloko lamang ng mga visa applicant. Sa statement ng US Embassy sa Maynila, nilinaw nitong wala silang anomang transaksyon sa mga social media o direktang e-mail sa mga visa applicants para mabilis na maaprubahan ang isang visa application. Ayon sa embahada, nag-aalok umano ang mga scammer ng mabilis na approval ng US visa kapalit ng malaking halaga. Sinasabing pinapadalhan ng fraudulent emails and messages ng mga nagpapakilalang…

Read More

CHR PINASALAMATAN NI CONG. ERWIN TULFO SA SUPORTA SA HB 8987

LABIS ang pasasalamat ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa suporta ng Commission on Human Rights sa kanyang panukalang batas na Child support bill na “An Act punishing the willful failure to pay paternal child support or HB 8987. Sa isang panayam kay CHR Comm. Faydah Dumarpa, sinabi nito na inaabangan ng Komisyon ang pagsasabatas ng House Bill 8987. “This will help a lot of single moms na makakakuha ng sustento sa kanilang ex para sa anak nila,” ani Dumarpa. Base sa panukalang batas na inihain…

Read More

P200 DAILY WAGE HIKE BILL LUMUSOT NA SA KAMARA

PINAGTIBAY na kahapon sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang unang legislative wage increase sa lahat ng manggagawa sa buong bansa, matapos ang mahigit tatlo’t kalahating dekada. Nangailangan lamang ng ilang minuto ang House committee on labor na pinamumunuan ni Rizal 4th District Rep. Juan Fidel Felipe Nograles sa pag-apruba sa Committee Report 514 o “An act providing for a P200 daily across the board increase in the salary rate of employees/workers in the private sector”. Idinaan sa botohan ang pag-apruba sa nasabing panukala kung saan idineklara ni…

Read More

FOREIGNERS SA KITCHEN-TYPE SHABU LAB SA CAVITE TINUTUGIS

IPINAG-UTOS ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kilalanin at tugisin ang mga sinasabing banyagang nasa likod ng nadiskubreng kitchen-type shabu laboratory sa Tanza, Cavite. Sinasabing dalawang Indonesian nationals, isang Chinese-looking individual at isang Pinay ang sangkot sa nadiskubreng shabu lab kasunod ng naganap na malakas na pagsabog. Nabisto ang operasyon ng shabu factory sa nirerentahang bahay sa Leon Fojas Street, Barangay Sahud-Ulan, Tanza, Cavite matapos ang naganap na pagsabog kung saan umano tumakas ang mga tenants ng nasabing bahay. Nakita sa…

Read More

PAMASKONG HANDOG NG CALAMBA LGU NAIS PAIMBESTIGAHAN

NANAWAGAN ng isang masusing imbestigasyon ang mga residente ng Calamba, Laguna ukol sa P409 milyong halaga ng 2024 “Pamaskong Handog” na ginastos ng pamunuan ni Mayor Roseller “Ross” H. Rizal. Batay sa isang dokumento mula sa Bid Notice Abstract – Invitation to Bid ng Philippine Government Procurement System (PhilGeps) ng pamahalaan ng Calamba, umabot sa P409 milyon ang budget para sa Pamaskong Handog. Para sa ilang residente, bagaman maganda ang pamimigay ng aginaldo, nakagugulat na mas malaki ang pondong inilaan dito ng Calamba kumpara sa ibang mas malalaking siyudad sa…

Read More

P70K CASH, GADGETS NG 2 BETERINARYO NADALE NG BASAG-KOTSE

CAVITE – Tinatayang P70,000 halaga ng cash at gadgets at ilang dokumento ang tinangay ng isang hinihinalang miyembro ng basag-kotse gang matapos atakehin ang sasakyan ng dalawang beterinaryo sa parking area ng isang restaurant sa bayan ng Silang noong Miyerkoles ng hapon. Personal na nagreklamo sa tanggapan ng Silang Police Station ang mga biktimang sina Jesus Raymondo, 50, at Edwin Lajara, 58-anyos. Ayon sa ulat, bandang ala-1:00 ng hapon nang iparada ni Raymundo ang kanyang Toyota Hilux na may plakang NEC 312, kasunod ang sasakyan ni Lajara na isang Toyota…

Read More