PAGLALAGAY NG SPEED LIMITER SA MGA TRUCK AT BUS DAPAT IBALIK!

RAPIDO ni PATRICK TULFO

TAONG 2021 pa nang inilabas noon ni dating LTO Chief Edgar Galvante ang memo na maghihigpit sila sa inspeksyon ng irerehistrong mga sasakyan sa Land Transportation Office (LTO).

Ayon sa memo na inilabas, sa walong oras ay aabot lamang daw sa 12 na sasakyan ang maiinspeksyon.

Ito raw ay para mainspeksyong maigi ng LTO ang bawat parte ng mga sasakyang irerehistro, gaya ng brake, chassis, mga ilaw at iba pa.

Ngayong panahon ni Asec. Atty. Vigor D. Mendoza II, nakarating sa amin na nasa 24 na sasakyan na raw ang cut-off ng LTO sa mga sasakyang kaya nilang irehistro.

Ok naman sana kung totoong masinsinan ang inspeksyon na ginagawa ng LTO bago irehistro ang mga sasakyan.

Pero aminin natin, sa kaliwa’t kanang aksidente sa kalye kung saan karamihan sa mga sangkot ay mga bus, masasabi ba nating dumaan sila sa masinsinang inspeksyon.

Karaniwang dahilan ng aksidente ng mga truck at bus ay ang pagkawala umano ng kanilang preno.

Paanong bigla na lang nawalan ng preno? Sa aking opinyon, hindi talaga kakagat ang preno ng mabibigat na sasakyan tulad ng bus at truck kung matulin ang kanilang takbo.

Nararapat lamang na ibalik ng DOTr at LTO ang kanilang dating requirement na paglalagay ng speed limiter sa mga bus at truck upang malilimitahan ang bilis ng mga ito at maiiwasan ang anomang aksidente, lalo na sa mga bus na maraming buhay ang nakasalalay.

Hindi ko maintindihan kung bakit ito ipinatigil gayung para naman ito sa safety hindi lang ng mga sakay ng truck at bus kundi sa mga makasasabay nila sa kalye.

198

Related posts

Leave a Comment