INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapadala ng isang high-level coordination team sa Czech Republic upang tutukan ang pagbabalik sa Pilipinas ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na nananatili sa kustodiya ng nasabing bansa.
Ayon sa Pangulo, pangungunahan ng Department of Justice (DOJ) at Department of Foreign Affairs (DFA) ang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Czech Republic upang matiyak na maayos at naaayon sa batas ang buong proseso.
Binigyang-diin ni Marcos na may sinusunod na legal na hakbang sa pagitan ng mga bansa, kaya’t kinakailangan ang sapat na panahon para maisakatuparan ito.
“We will bring Zaldy Co home, and we will do so in accordance with the law. He will answer to the Filipino people,” pahayag ng Pangulo.
Si Co ay nahaharap sa kasong graft at malversation kaugnay ng umano’y iregularidad sa P289.4 milyong road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro, at itinuturong sangkot sa bilyon-bilyong pisong flood control at infrastructure anomalies noong 2025.
(CHRISTIAN DALE)
62 