PAMILYA NIRATRAT SA SULTAN KUDARAT, 3 PATAY

SULTAN KUDARAT – Target ng manhunt operation ang dalawang hindi pa nakikilalang gunman na responsable sa pananambang at pagkamatay ng isang pamilya sa lalawigan.

Ayon kay Lt. Col. Jopy Ventura, ang tagapagsalita ng BARM PNP, namatay sa pamamaril si Ibrahim Payapat, ang asawa nitong si Zenaida Kusain, 32, at anak nilang si Aisa, 16, pawang mga residente ng Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City.

Mapalad namang nakaligtas bagama’t sugatan ang kanilang onse-anyos na anak.

Sakay umano ng mga biktima ng tricycle at pauwi sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Dead on the spot ang ama ng tahanan habang sa Cotabato Sanitarium Hospital sa bayan ng Sultan Kudarat na pinagdalhan ng mga rescuers, nalagutan ng hininga ang mag-ina habang nilalapatan ng lunas makaraan ang ilang oras.

(JESSE RUIZ)

183

Related posts

Leave a Comment