PASSPORT NG PASAWAY NA PINOY SA LIBYA KAKANSELAHIN

bello12

(NI FRANCIS SORIANO)

DAHIL sa patuloy na sagupaan sa civil war sa Libya at sumailalim na sa alert level 4, tiniyak ng Department of Labor and Employment (DoLE) na mapauuwi ang lahat ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Binalaan din ang mga ito na ang hindi susunod sa kautusan ay haharap sa  kanselasyon ng mga pasaporte.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, katuwang nila ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagpapatupad at pagmomonitor ng sitwasyon sa Libya sa lahat ng mga OFWs doon para sa kanilang kaligtasan.

Dagdag pa nito,  kapag nagmatigas ang mga ito na sumailalim sa force repatriation ay nagbabala si Bello na ipakakansela nila sa DFA ang kanilang mga pasaporte para palayasin sila ng bansang Libya.

“Mapipilitan kaming gawin ito para sa kaligtasan ng mga manggagawang Pinoy sa Libya, after talking to them na ayaw talaga nila,” sabi ni Bello.

 

182

Related posts

Leave a Comment