BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na susi ang mas matibay at mas malapit na ugnayan ng national government at local government units (LGUs) upang mapababa ang kriminalidad at mapabilis ang pagtugon sa mga emerhensiya.
Pinangunahan ng Pangulo ang 1st Joint National Peace and Order Council (NPOC) Meeting for 2026 sa Malacañang, kung saan pinulong ang national at regional leaders upang ihanay ang mga estratehiya at suriin ang kasalukuyang peace and order situation ng bansa.
Layunin ng pagpupulong na palakasin ang whole-of-government approach sa public safety, community resilience, at responsive governance.
“At the Joint National Peace and Order Council Meeting, we strengthened coordination between national and local governments to keep crime down and respond faster in emergencies,” ani Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post.
Sumentro rin ang talakayan sa pagpapalawak ng paggamit ng teknolohiya at mas aktibong partisipasyon ng komunidad upang mapigilan ang krimen.
“We discussed strategies, such as expanding the use of technology and engaging communities in deterring crime. We want to ensure that people feel safe, stable and secure,” dagdag pa ng Pangulo.
Nagsilbi ring plataporma ang Joint NPOC–Regional Peace and Order Councils Meeting upang pag-usapan ang mga konkretong hakbang sa pagtugon sa iba’t ibang peace and security concerns sa buong bansa.
(CHRISTIAN DALE)
73 