PCPs SARADO MUNA, PULIS IKAKALAT SA QC

PANSAMANTALANG ipinasara ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen Nicolas D Torre III ang mga Police Community Precinct (PCP) at ipinakalat ang mga pulis sa kalsada upang matiyak ang seguridad ng mamamayan sa lungsod.

Ang aksyon ni BGen Torre III ay bilang pagsunod sa kautusan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na panatilihin ang police visibility sa mga lugar, partikular sa mga paaralan para maiwasan ang posibleng kriminalidad.

“Yung ating mga tao sa opisina ay ibinaba natin sa ganun ay dumami ang mga pulis na nakikita sa kalsada, ito ay pagsunod na rin sa kautusan ng ating DILG. Sa ngayon, ang ating mga PCP ay pansamantalang isinarado sa kautusan ng ating Distrito Director PBGen. Nicolas D Torre III sapagkat kailangan natin ng mga tao na magpapatrolya,” pahayag ni Deputy District Director for Operations (DDDO), PCol.  Redrico A Maranan

Inatasan din siya ng QCPD chief na magsagawa ng sorpresang inspeksyon sa 16 police stations ng QCPD para personal na suriin kung epektibo ang kanilang ginagawang police work at operations lalo na ang police visibility.

Unang ininspeksyon ni Col. Maranan sa Litex at IBP Rd., Batasan, Quezon City at iba pang crime prone areas, major establishments, at places of convergence sa lungsod.

Layunin din ng inspeksyon na matiyak ang kalinisan at kaayusan ng mga police station at matugunan ang mga isyu at problema ng mga awtoridad.

Nagbibigay rin ito ng dekalidad na serbisyo sa komunidad sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mantra ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rodolfo Azurin, ang MKK-K (Malasakit, Kaayusan, Kapayaaan tungo sa Kaunlaran at S.A.F.E (Seen, Appreciate, Felt and Extraordinary) program ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Director, PBGen. Jonnel C Estomo. (LILY REYES)

294

Related posts

Leave a Comment