PENSYON PARA SA OFWs ISUSULONG

MAGHAHAIN ng panukalang batas si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo para mabigyan ng pension ang mga overseas Filipino workers (OFWs) pag-nagretiro na ang mga ito at nagpasyang manirahan na lang sa bansa.

Sa ambush interview ng media kamakailan, sinabi ni Cong. Tulfo, “Mga bagong bayani ang tawag natin sa kanila dahil sa ambag nila sa ekonomiya ng bansa”. “Pero pag-tumanda na sila, naghihirap at umaasa na lang sa bigay ng mga anak. Ganyan ba ang dapat maranasan ng isang bayani?” ani Tulfo na tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa sa Bagong Pilipinas.

“It’s the country’s way of saying ‘thank you’ sa kanila sa pagtaguyod sa ating bansa ng ilang taon kaya marapat lamang na suklian sila ng sambayanan,” aniya pa.

Ayon pa sa mambabatas, “Marami-rami din sa mga OFWs natin ay hindi nakapag-ipon dahil inuna ang pagpapaaral ng mga anak at pagbili ng bahay”.

Dagdag niya, iyong mga DH, laborer, driver, ‘yung mabababa ang sahod ang kadalasang hindi nakaka-ipon dahil sapat lang ang sahod nila para sa pamilya.

Sa panukala ni Cong. Tulfo, may kontribusyon ang OFW buwan-buwan sa pension fund niya at doble o triple naman ang kontribusyon ng gobyerno sa pension ng OFW. Ang sinasabing OFW pension ay iba pa sa makukuha nila sa SSS pagdating ng 60-anyos.

40

Related posts

Leave a Comment