INILUNSAD sa lungsod ng Pasay ang Philippine Modernization Consortium na naglalayon na gawing makabago ang bansa partikular na sa digitalization upang makasabay at makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas.
Sa panayam sa media, sinabi ni LCCAD o Local Climate Change Adaptation for Development Holdings Executive Director Nong C Rangasa na nagsagawa sila ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng kanilang Partnership sa Canadian business community na pinangungunahan ng Holdun Group of Companies at T2 Pinans.
Layunin aniya nito na mapalakas ang mga mamumuhunan sa bansa sa pamamagitan ng Private Partner Partnership upang mas mapalakas ang ekonomiya at magkaroon ng maraming trabaho para sa mamamayang Pilipino.
Ayon kay Nong Ragasa, ginagarantiya ng kanilang foreign partners na mamuhunan sa Pilipinas at ang target ay ang mga lalawigan upang magkaroon ng mga karagdagang trabaho at hindi na kailangan na magtungo pa sa NCR.
Hindi rin aniya dapat na mangamba ang mga mamumuhunan dahil ginawa ito ng LCCAD upang alalayan ang mga mamumuhunan sa simula ng pagsasaayos ng mga kailangan mga papeles hanggang sa operasyon nito.
Kumpiyansa si Rangasa na kapag magtagumpay ito hindi na kailangan na mangibang bansa ang mga Pilipino dahil magkakaroon na mismo ng mga sapat na trabaho sa kanilang mga lalawigan at probinsya.
Nagbigay rin ng mensahe si Senador Sherwin Win Gatchalian sa pamamagitan ng video message at si Congressman Joey Salceda sa pamamagitan ng Chief of staff nito na si Atty. Carol Sabio. (DANNY BACOLOD)
