BINALAAN ni PNP-ACG Director Police Brig. Gen. Bernard Yang ang publiko hinggil sa gumagamit ng kanilang social media account.
Ito ay kasunod ng paggamit mismo ng pangalan ng Anti-Cybercrime Group para lang makapang-scam.
Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Yang na mismong mukha pa niya ang ginagamit na litrato sa social media accounts ng mga scammer.
Saad ni Yang, apat na social media account ang kanilang mino-monitor na gumagamit sa pangalan ng ACG, na kanilang kakasuhan.
May nabiktima na umano ang scammers at nakakuha ng pera sa mga biktima at may nakapagsumbong na sa kanila.
Samantala, umabot na sa 100 ang bilang ng mga naaresto ng ACG dahil sa mga cybercrime offense mula Setyembre 1 to 25, 2025.
Mas mataas ito kumpara sa 35 bilang ng mga naaresto sa kaparehong panahon noong 2024.
(TOTO NABAJA)
256 