PRESYO NG PALAY BUMAGSAK SA P7 KADA KILO

PALAY

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Tuluyan nang bumagsak ang presyo ng palay sa P7 kada kilo, 17 buwan simula nang ipatupad ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Liberalization Law (RLL) na mas kilala sa Rice Tariffication Law.

Ito ang isiniwalat ni dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao base sa kanilang report na nakuha sa Bantay Bigas group, kaya hindi na mapigilan ang pagdami ng mga magsasakang nalulugi na dahil sa nasabing batas.

“Bantay Bigas raised the alarm of depressed farm gate prices such as P7 per kilo in Licab town, Nueva Ecija, “ pahayag ni Casilao habang sa Zaragosa, Nueva Ecija aniya ay P10 na lamang binibili ang ani ng mga magsasaka kada kilo.

Maging sa Sorsogon aniya ay P11 kada kilo na lamang binibili ang palay ng mga magsasaka habang P12 naman sa Laguna, Tarlac at Isabela na malayong-malayo sa P20 pataas, 18 buwan ang nakakaraan o bago inimplementa ang nasabing batas noong Marso.

Luging-lugi na aniya ang mga magsasaka dahil base sa kanilang pag-aaral, mahigit P12 ang puhunan ng mga magsasaka sa bawat kilo ng palay na kanilang inaani kaya nalulungkot na aniya ang mga rice farmers.

“Prior the enactment of RLL, farmers have been opposing it due to its obvious impact to the rice industry. Now, we are seeing the aftermath, and its proponents still have the gall to deny the root causes,” ani Casilao.

Nabatid na simula noong ipatupad ang batas, mahigit 200,000 magsasaka na ang apektado at 4,000 rice mills na angsara sa iba’t ibang panig ng bansa subalit ayon kay Casilao, 2.3 million rice farmers ang inaasahang maaapektuhan.

Hindi na rin ikinagulat ng dating mambabatas ang mga ulat na nawawala ang P4 Billion sa P5 Billion na inilaan tulungan ang mga magsasaka na maapektuhan sa nasabing batas dahil nangyari na aniya ito noong 2012.

“The case of missing P4 billion out of P5 billion RCEF is nothing new. We warned against it as we opposed the law during deliberations. It is akin to the ACEF scam brought about by the tariffication on imported agricultural products, where around P13 billion remained unaccounted from 1996 to 2012,” ayon pa kay Casilao.

457

Related posts

Leave a Comment