2K RESIDENTE NG BATANGAS APEKTADO NG SMOG MULA SA MT. TAAL

taal

PINAG-IINGAT ang mga residenteng malapit sa Bulkang Taal makaraang mahigit 2,000 residente ang naapektuhan ng smog na may kasamang sulfur, ayon sa Agoncillo Municipal Health Office sa Batangas.

Kabilang ang isang taong gulang na bata na taga-Brgy. Banyaga sa Agoncillo ang kalalabas pa lamang ng ospital matapos ang apat na araw na pagpapagamot dahil sa nalanghap na volcanic smog na nagresulta sa pneumonia.

Patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan na isarang mabuti ang mga bintana ng bahay na malapit sa bulkan upang hindi masinghot ang mga abo na nagiging sanhi ng respiratory illnesses tulad ng pneumonia, tuberculosis at hika.

Kung makasisinghot ng smog ay maaaring makaramdam din ng pangangati ng lalamunan, trangkaso, sakit ng ulo at pagkahilo. (CYRILL QUILO)

85

Related posts

Leave a Comment