2 DRUG PUSHER TIKLO SA P400K SHABU SA LAGUNA

LAGUNA – Arestado ang dalawang hinihinalang drug pusher matapos makumpiska sa mga ito ang mahigit sa P400,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation noong Biyernes sa Calamba City.

Kinilala ang mga suspek na sina Ronnie Ortiz at Rosario Belmonte, nadakip dakong alas-9:00 ng gabi sa operasyon ng mga awtoridad sa Barangay 1, Calamba City.

Nakuha sa mga suspek ang 6 sachet ng shabu na tinatayang tumitimbang ng 62 gramo at nagkakahalaga ng P421,000.

Nakakulong na ang dalawa sa Calamba City Police Station locked-up cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (NILOU DEL CARMEN)

97

Related posts

Leave a Comment