32 PASAHERO NASAGIP SA TUMAOB NA BANGKA

NASAGIP ng Philippine Coast Guard Sub-Station sa Siasi, Sulu ang 32 indibidwal mula sa tumaob na pampasaherong motor banca noong Sabado, Setyembre 14.

Umalis ang motor banca na pag-aari ni Aradjul J. Kahalan, sa Bongao, Tawi-Tawi patungong Jolo, Sulu, na may sakay na 23 pasahero at siyam na crew.

Ayon sa kapitan na si Sam Sabturani, tumaob ang bangka habang naka-angkla sa layong 500 yarda sa kanluran ng Siasi Pier dahil sa masamang panahon.

Isang concerned citizen na si Barok ang nagbigay ng impormasyon sa PCG na agad namang nagsagawa ng rescue operations.

Tumulong din ang mga sibilyan sa PCG gamit ang kanilang motor banca para sa search and rescue operation.

Ang mga nasagip na indibidwal ay dinala sa Siasi Hospital at idineklarang nasa mabuti nang pisikal na kondisyon.

Kalaunan ay nakauwi na rin sila sa kani-kanilang mga kamag-anak sa Siasi. (JOCELYN DOMENDEN)

19

Related posts

Leave a Comment